Chapter 15

1401 Words
KUMABOG ang dibdib niya nang unti-unting nagmulat ng mga mata ang binata. Disoriented, he slowly sat up, rubbing his face with both of his palm. Hindi pa yata nag-si-sink-in dito ang presensya niya. After few seconds, his gaze focused on her, his eyes held no emotions in them. Tumatagos sa mukha niya ang tingin nito. Lagot, gising na! Then he started to recognize her, his blank expression became a mixture of surprise and annoyance. "Ano'ng ginagawa mo rito? At paano ka nakapasok?" "Ah..." Siyet, ano'ng idadahilan ko? "Dinadalaw ka, sir." Tipid niya itong nginitian saka umalis sa pagkaka-upo sa mesa nito at lumipat sa couch. Nag-iwan siya nang isang dipang pagitan nila. "Medyo nag-alala kasi ako nang matagal kang hindi nagbubukas ng pinto. So I tested if my finger prints still work, and it did. Nandito rin kasi si Sean kanina para bisitahin ka pero umalis na. He said he's going back on a mission," mahaba niyang paliwanag. Her heart hammered in her chest as his eyes followed her every move. Medyo naningkit din ang mga mata nito. "Bakit ka na naman ba naglunoy sa beer?" hindi napigilang itanong. Stupid, stupid question, Berry! Hinilot nito ang sintido at mahinang nagmura. "Sarah and I met last night," umpisa nito at saka ibinagsak ang kalahati nang katawan sa couch. Siya naman ay hindi makapaniwala sa naging sagot nito. May posibilidad na mag-open up ito sa kanya nang tunay na saloobin tungkol sa nangyari kagabi. She peered at him. Nakakatitig ngayon ito sa chandelier. "She said she did not fall in love with another man," patuloy nito na animo'y ang kisame ang kausap. "A-ano raw ang tunay na dahilan?" tanong niya kahit na alam na niya ang sagot. Isang mapait na ngiti ang sumilay sa mga bibig nito. Ilang segundo itong nanatiling tahimik bago sumagot. "Hindi na mahalaga kung ano man iyon." Sobra niya itong hinangaan sa sagot nito. Mas pinipili nitong itago sa kanilang dalawa ni Sarah ang totoong rason. Hindi lahat ng lalaki ay katulad nito. Marami siyang kilalang lalaki na kapag hiwalay na sa dating kasintahan ay binubunyag ang mga lihim na dapat ang mga ito lang ang nakaka-alam. Mas tumaas ang respeto at paghanga niya para rito. Kahit na nasaktan ay hindi ito gagawa ng bagay para mapahiya si Sarah. "Gusto mo ng yakap?" Bumaling ito sa kanya, kunot ang noo. "Ano'ng sinabi mo?" Anak ng tipaklong! Uulitin ko ba? Lumunok muna siya bago magsalita. "Gusto mo ba ng yakap?" Mataman siya nitong pinagmasdan. A astonished expression was on his face. Maya-maya ay nahati ang mga labi nito sa isang ngiti na naging mahinang tawa. At that moment, it was her time to look at him with surprise look on her face. Ano'ng nakakatawa sa sinabi niya? But damn, his smile and laughter were just too good for his own good. "Okay ka lang?" nagtataka niyang tanong. "Oo," sagot nito pagkatapos. "Berlin," iling nito at pinatunog ang dila. "You just say the silliest things in the world." "Gano'n?" Nakahinga siya ng maluwag. Mas gusto na niya na gan'to ito kaysa laging parang pinagsakluban ng langit at lupa. Nakangiti pa rin ito. "Yes. It may sound crazy but you just make me smile." Her heart literally made an overdrive at his statement. Nababatubalaning napatitig siya sa mga mata nito. "Gusto mong magbakasyon?" bigla nitong tanong. "H-ha?" "I am asking you if you want to have a vacation. A real one. Para makabawi man lang ako sa..." saglit itong tumigil at tumikhim. "Mga maling pagtrato ko sa'yo no'n." Mayro'n ba? Parang nahihipnotismong tumango siya. "O-okay." "Are you okay?" kunot-noo nitong untag nang hindi siya kumukurap na nakatingin dito. Ah, s**t! I'm really in love! Ipinilig niya ang ulo. "Oo. Kailan tayo aalis?" "Mamayang hapon na." "Mamayang hapon?" "Yes." Tumayo ito saka isa-isang kinuha ang mga lata saka itinapon sa basurahan. "May oras kapa para umuwi at maghanda nang mga gamit mo. We'll stay there for two weeks." Hindi agad siya gumalaw. Umaayon ba sa kanya ang pagkakataon? Makakasama niya uli ito? Hindi niya maiwasang ma-excite sa isiping iyon. And damn! What did she do to deserve this chance? "Ano pa ang ginagawa mo? Sasama ka ba o hindi?" Tumalima siya. Baka bigla pa nitong bawiin ang imbitasyon. "Sasama. Sige, uuwi na ako." Tinungo niya agad ang pinto pero bago pa man siya lumabas ay tumigil siya at nilingon ito. "Ahm, hindi mo ako ihahatid?" Kakaiba ang tinging ibinigay nito. "Right," she mumbled then exited the door. KAGAT niya ang labi sa pagpipigil na kumawala ang itinatagong kilig sa katawan habang nasa biyahe sila ni Trevor. Na-surpresa siya at kanyang pamilya nang dumating ito sa kanilang bahay para sunduin siya. Pati ang nanay niya ay kinilig sa pagdating nito. She even pushed her to his car. Grabe din ang nanay niya, ha. Kulang nalang ay ipakasal na siya agad sa binata habang ang tatay naman niya ay panay lang ang ngiti. Sayang nga lang at wala ang kapatid niya, nasa eskuwelahan kasi ito. "Ayos ka lang?" narinig niyang tanong ng binata, sinulyapan siya. Ito na rin ang nagmamaneho ng sasakyan nito. Feel na feel din niya ang puwesto sa passenger seat. Here they are, in his car, just the two of them. How lucky can she get? Mukhang mag-gu-goodbye na talaga ito sa nakaraan. Ah, gusto niyang maglulupasay at magtititili sa kilig. "Hmmm?" Nagkunwari siyang inaayos ang pagkakakabit ng kanyang seatbelt para hindi nito mahalata ang pag-ngiti niya. "Oo naman. Bakit?" "You're smiling like an idiot. Kanina pa." She looked up at him, wide eyed. "Huh? Hindi, ah! Walang dahilan para basta nalang ako ngi-ngiti!" nakailing na tanggi niya. Sana hindi nito mapansin ang pagiging defensive niya. Trevor focused his attention on the road. "You sound so defensive. Nagtanong lang naman ako." She turned her head and looked out the car's window, shutting tightly her eyes. Nahalata pala nito ang pinaggagagawa niya. Siyet na malagket! Masyado na ba akong halata? "Okay. Nakangiti nga ako kanina. Pero dahil iyon sa excitement. Ngayon lang kasi ulit ako bibiyahe sa malayong lugar." Nagmulat siya ng mata at tumanaw sa labas ng bintana. "I see," he commented. "Masyado bang hectic ang schedule ng isang nurse?" "Yes," tango niya. "We only have a day off, medyo mahirap ding makakuha nang dalawa o higit pang araw na pagkawala dahil kapos sa nars ang hospital." "Bakit ka nga pala nag-nurse?" Hmmm... It's good. He's initiating a conversation between them. Another good sign. Kinuha niya ang bottled water sa dashboard at uminom. "Hindi ako takot sa dugo, sa katawang nahihiwa o kung ano pa man. I can even watch gruesome movies without breaking an eye. You know what I mean?" Nakita niyang napangiwi ito sa gilid ng kanyang mata. "Iyan ang dahilan mo? You're weird." Ngumisi siya. "It's really my passion. Pero isang factor na rin siguro ang personalidad kong iyon kung bakit hindi ako nahirapan sa kurso ko." "You're still weird," naiiling nitong saad. "Well, this is me. Ikaw ba, bakit ka nag-abogado?" Trevor shrugged. "It's my passion," maikli nitong wika, kinabig ang manibela at pumasok ang sasakyan sa isang may kahabaang tunnel. Nabalot ng dilim ang kanilang paligid, tanging ang headlights lang ng sasakyan ang nagbigay liwanag sa loob. "And?" "That's it." Ay, ewan! Ang labo mo pong kausap. "Okay," sabi nalang niya. "Nakakatakot naman dito. Parang dito nag-shooting ang isang episode ng Fear The Walking Dead, ah." Pilit niyang inaaninag ang loob ng tunnel pero masyadong madilim. "Nanonood ka niyan?" tanong nito. "Oo. Bakit?" "Wala namang ganyan sa totoong buhay." Umangat ang dulo ng labi niya saka masama ang tinging pinukol dito. "Walang pakialamanan, Trevor. Kanya-kanya tayo nang trip panoorin sa buhay." Sumikdo ang dibdib niya nang ngumiti ito. Ang puso ko, daing niya. "Sabagay." Hindi siya nagkomento at pinagsawa nalang ang mga mata sa pagtitig sa facial features nito. He is just so good to look at. Hindi nakakasawa. Binalot ng liwanag ang paligid nang sa wakas ay lampasan nila ang tunnel. Pinatay nito ang headlights. "Marunong ka bang lumangoy?" "Ha?" Sumulyap ito sa kanya. "Do you swim?" Bahagya siyang ngumiti. "Hindi masyado. Basta do'n lang ako sa bahaging naaabot ng mga paa ko ang buhangin." Tumango-tango ito. "That's alright." He glanced on his wristwatch. "Itulog mo na muna, mahigit isang oras pa ang itatagal ng biyahe natin bago tayo makarating sa isla." Gusto niyang sumimangot. Ayaw na ba siya nitong kausap agad? "Sige," sagot nalang niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD