Chapter 16

1568 Words
"BERLIN, wake up. Nandito na tayo." Ang malamig na boses ni Trevor ang nakapag-pagising sa malalim niyang pagkakatulog. Yes, she actually had fallen to sleep. Her eyes got tired while they were on the road. Sa araw na ito ay hindi niya napanindigan ang pagiging dilat sa biyahe. Madilim na ang paligid nang igala niya ang paningin. There were dimmed lights around the coconut trees all around the area. Bumungad din sa kanya ang dalawang palapag na bahay, just right before the beach. "Come on," yakag ni Trevor, bumaba nang sasakyan at ibinaba ang iba nilang mga gamit. She came down the car, still looking around. Napayakap siya sa sarili nang malamig na simoy ng hangin ang humaplos sa kanyang katawan. "Where are we?" tanong niya. "Pangasinan," simpleng sagot nito bago naglakad patungong bahay. It looked like the house was already cleaned up. Wala ba silang makakasama sa bakasyong ito? Oh. My. Gas. "What are you still doing there?" Nagsusungit na naman ito. She took the bag then walked towards the house. It was built in a hotel like style. Dinig na dinig ang hampas ng alon sa dalampasigan. As she approaches him, he suddenly got impatient and met her halfway, held her arm, and guided her to his house's veranda. Hindi siya nito binigyan ng pagkatataong magtanong, mag-inarte o mag-react man lang sa ginawi nito. Just as she came face to face with the view in front of her, she was in awe. The location of his vacation house was in a beach front. Sa sementadong ilalim na bahagi nang veranda ang hampas ng mga alon. Ang mumunting ilaw na nagmumula sa apat na poste ang nagsisilbing liwanag na nagbibigay ng kakaibang effects sa tubig dagat. "This is life," sambit niya habang tutok pa rin ang mga mata sa dagat. "I know," he agreed, chuckling. Ilang segundo silang nanatiling nakatayo lamang at nakasandal sa railings nang mapagtanto niyang hawak pa rin pala nito ang kanyang braso. That's when she took noticed of her heart's fast beating. Berlin smiled, this time, she did not try to hide it. "Trevor..." "Yeah?" "Ang braso ko..." "What?" Tuluyan na siyang napangisi. "My arm, you're still holding it." "So?" Nanlaki ang mga mata niya. "Anong so? Bitawan mo kaya." He chuckled, freeing her arm and putting his hand in one of his jeans' pockets. "Kakaiba rin ang trip mo ngayon, ha," naiiling na komento niya. Ipinatong ang dalawang braso sa railings saka yumuko. "But this is so refreshing. Ang ganda naman dito." Malayo rin ang inaabot ng tingin nito. His gaze is focused in the distance, his body posture was stiff, and his lips are pursed tightly. Nakaka-intimidate ito sa itsura nitong 'yon. "b****y mackerel!" gulat nitong sambit nang bigla niya itong itulak. Hindi naman malakas pero nagulat yata talaga ito. "What was that for?" She shrugged. "For spacing out. Ayoko sa kasamang bigla na lang nawawala sa kasalukuyan, dude. As long as you are with me, avoid doing it." Again, a stunned expression crossed his face. Nginitian niya lamang ito saka muling itinuon ang tingin sa dagat. Closing her eyes, she savored the moment when the cool wind blows on her face, caressing it. A contented smile crept her lips. Here she is, beside the man of her dreams, in his beach house and--- "This is where Sarah broke off the wedding." Her eyes flew open, ruining all the magical moment she was creating in her mind upon his hearing his statement. Asa moments have gone! She turned her head to him. "Ano'ng sinabi mo?" Gusto mo talagang ulitin niya? sita ng isang maliit na boses sa kanyang ulo. "This is the place where Sarah and I broke up." Hindi makapaniwalang tinitigan niya ito. "Eh, bakit mo ako dinala rito? Baliw ka ba? This place will only bring back memories of the two of you! Can you deal with that? Huh? Can you?" She was not sure why she felt annoyed all of a sudden. Basta tumaas nalang bigla ang dugo niya sa hindi malamang dahilan. "You don't need to shout," reklamo nito. "That's exactly why I am here, to get over things. Isang paraan para makalimot ay ang balikan ang nakaraan at subukang huwag manatili ro'n, 'diba?" Mas lalo siyang naguluhan sa paliwanag nito. "Hindi kita maintindihan." "Oh, you will. In time." "What?" "Nothing." "So that's your plan, huh? Tell me, am I a part of the plan?" "No. I did not plan on inviting you. It just came into my mind and---Awww!" Hinampas niya ito ng kanyang bag. "How dare you! Why am I here, really?" Hinuli nito ang braso niya. There was something in his eyes that she could not put a name of. "I told you, this is for you to enjoy life at its best before you go back to work. Ang sabi sa akin ni Dr. Rosete ay hindi ka pa raw nagkaro'n ng matinong bakasyon simula noong nagtrabaho ka sa ospital. Come on, I wasn't lying when I said that you deserve it." Napakurap siya sa mahaba nitong litanya. So, he was really concerned? Bakit? Tumalbog na naman ang puso niya. Binawi niya ang braso at nagkunwaring iritable pa rin. "But still, you had a plan on going back in here. Baka naman ginagamit mo lang ako, Trevor, ha? Naku, sinasabi ko na sa'yo. Kung ano man iyang pina-plano mo ay itigil mo na. It won't wo---" "Ano ba'ng sinasabi mo?" putol nito, naguguluhang nakatingin sa kanya. So? Mali na naman ako, gano'n? She sneered, impit din siyang tumili. "Wala!" "Are you okay? Parang kulang ka pa sa tulog, ah. O nagugutom ka ba? Maraming pagkain sa loob." Marahas siyang nagbuga ng hangin. "Right! Parang gutom na nga ako. Saan ang kusina mo rito? Halika na at pakainin mo na ako. Bisita mo ako ngayon, Trevor kaya wala kang karapatang magreklamo." Sinenyasan niya itong sumunod bago tumalikod. Of you've got a plan, I've got a plan too! It's a tie, darling! May the best planner win! "SIYET, ang sarap!" napapapikit na bulalas niya habang ngumunguya. Kasalukuyan nilang kinakain ang niluto nitong adobong karne ng baboy. "Ang galing mo naman palang magluto." "Not quite," tugon nito habang tahimik na sumusubo ng pagkain. "Asus, pa-humble ka pa! This is just so good, okay?" "Okay." Napalatak siya sa kawalan nito nang gana sa mga puri niya sa masarap na adobo nito. "Puwedeng mag-thank you rin paminsan-minsan." "Okay. Thank you." Pisti! Sinamaan niya ito nang tingin pero hindi na nagsalita at ine-enjoy nalang ang pagkain. She was washing the dishes when she couldn't stand his intense gaze. Napansin niya kasi itong kanina pa nakatingin sa kanya sa gilid ng mata niya. Nanatili ito sa kusina pagkatapos nilang lumafang. "Ba't ganyan ka kung makatingin?" "Paanong ganyan?" Itinuro niya ito, puno ng bula ang kamay niya. "Ganyan." Umangat ang gilid ng labi ni Trevor. "May iniisip lang ako." Kinakabahang itinuloy niya ang ginagawa. "Ano naman 'yon?" "May boyfriend ka na ba?" "Ano?" sigaw na tanong niya. Hindi niya inaasahan na prangkahan siya nitong tatanungin niyon. "You heard me." "Hindi ko kailangang sagutin iyan." "You don't have one then." Tumaas ang kilay niya. "Siguradong-sigurado ka, ah." He shrugged. "Yep. I'm one hundred percent sure." "Oh, really?" Deym! "Yes, really." "Paano ka nama nakakasigurong wala nga?" "You are not proud of telling you have one. Kung sabagay..." Tumigil ito at pinasadahan siya ng tingin. "Hindi ka naman gustuhi---Hey!" Trevor ducked to avoid the sponge she hurled at him. Hindi niya tinapos ang paghuhugas at iniwan ito mag-isa sa kusina. Punyetang lalaki! Nagpupuyos ang damdaming nagtungo siya sa veranda para magpahangin. Pakiramdam niya kasi ay sasabog ang dibdib niya sa sama nang loob. She stayed there for long number of minutes, just staring on the shining oceanic water, and feeling the cool breeze that blows her hair. Nagulat siya nang isang tasa ng umuusok na kape ang bumulaga sa harap niya. Matalim ang mga matang tiningnan niya si Trevor na siyang may hawak niyon. He smiled at her, making her heart flip again. Deym it! Pinaningkitan niya ito nang mata. "Kung nadito ka para lang asar---" "I'm sorry. I was only kidding." "Hindi kayang burahin ng kapeng iyan ang sakit na dulot ng panlalait mo." "I know. Pero tanggapin mo na bago pa man ako mangalay." Ngumiti na naman ito. Punyemas talaga! Kinuha niya ang kape. "Fine. But say that again." "Sorry." "Again," utos niya. "I'm sorry, okay?" Itinago niya ang pagsilay ng ngiti sa mga labi sa pamamagitan nang pag-inom ng kape mula sa tasa. "Isa pa." "Namimihasa kana," may pag-aakusang wika nito. "Kasalanan mo naman, eh!" He sipped on his cup of coffee, then stood next to her, closer to her. Nanigas siya bigla. Oh, no! Not this close, please! pakiusap niya sa kanyang utak. "I'm sorry." Puno nang sinseridad ang boses nito. Hindi na naman niya maiwasang kiligin. "Okay," tumango-tangong wika niya. "Pero kapag inulit mo pa ang panglalait sa akin ay talagang dadagukan na kita," banta niya. He chuckled again. "It won't happen again. I promise. Nakakatakot ka palang magalit." Bahagya siyang natawa. "You deserved it." "I know." They both fell in silence. Wala silang imik habang nagkakape at pinagmamasdan ang mga alon. Pareho nilang ninamnam ang malamig na simoy ng hangin sa kanilang balat. I think I will have the best night's sleep of my life tonight! she secretly thought, smiling. Kung sana pareho lang sila nang nararamdaman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD