"ANO ba talaga ang gusto mong patunayan?"
Masama ang tinging ipinukol niya kay Trevor. "Na kaya kong mangalap ng mga kabibe nang walang tulong mo," naka-ingos na saad niya.
Namaywang ito. Kahit na sa simpleng board short at tee-shirt na suot nito ay umaapaw pa rin ang ka-guwapuhan nito sa umaga.
Bahagya siyang napasimangot. Kanina pa niya ito kinukumbinsing tulungan siya sa pangunguha ng mga kabibe sa dalampasigan pero ang herodes ay pinapanood lang siya.
"Hindi mo kailangang sumampa sa mga batong 'yan. You can pick shells right just here." Itinuro nito ang kulay brown na buhangin. "Wala kang makukuha riyan."
Hindi niya ito pinansin bagkus ay hinarap niya ang walang hanggang tubig. Nakatuntong siya sa batuhang bahagi ng dagat dahil naakit siya sa hampas ng alon doon.
"Be careful, Berlin," narinig niyang paalala nito. "Mabato ang bahaging kinatutuntungan mo. Puwede mong ikamatay kapag nabagok ang ulo mo riyan."
She only glared at him. Totoo naman na baka wala siyang makuhang kabibe sa puwesto niya dahil sa alon ng tubig. But she's too captivated by the water she could not resist going over there.
"Alam mo, kung gusto mong makatulong ay bakit hindi ka nalang mamulot diyan at hayaan ako rito? Kaya ko ang sarili ko. I can manage even if these rocks are slippery, you know," wika niya habang pilit kinukuha ang shell na nakakapit sa batuhan.
Hindi siya makakapayag na walang mapala sa maaga niyang paggising para lang mamulot ng iba't-ibang klase ng kabibe. It is childish, yes, but who the hell cares?
Napakapit siya sa bato nang medyo malakas na alon ang humampas sa kainaroroonan niya. Nabasa rin siya sa lakas niyon. Anak ng limang tipaklong naman! Kung kailan siya nagsisimula palang ganahan ay saka naman siya binasa ng dagat.
"That's what I was saying," komento ni Trevor.
Napilitan siyang umalis doon at bumalik kung saan niya ito iniwan. Kapag tinamaan ka nga naman ng malas! Medyo may pagdadabog siyang lumapit dito. Mas lalo siyang nainis nang pulutin nito ang kabibe na dinala ng alon sa may paanan nito at ini-abot sa kanya.
"See? Kusa silang dinadala ng alon sa'yo. You just need to look around and pick them."
Padabog niyang kinuha iyon at ini-shoot sa maliit na lalagyan niya. "Eh, tutulong ka naman pala bakit hindi mo pa ginawa kanina?"
Tumaas ang kilay nito. "Tayong dalawa na nga lang ang tao rito, Berlin. Mag-aaway pa ba tayo?"
Napaismid siya sa litanya nito. Eh, di wow. Sinamaan na lang niya ito nang tingin saka nilampasan. "Sige na, tulungan mo nalang akong mamulot."
"Bakit mas gusto mong mamulot kung puwede naman tayong mamili nalang? Mas magaganda at maaayos pa ang mabibili natin."
"Gusto ko kasi 'yong ako mismo ang nag-effort kumuha. Saka marami naman dito, bakit pa ako bibili?"
Hindi na ito muli pang kumontra at tahimik na lang siyang sinundan. Panaka-naka ay may inia-abot itong kabibe sa kanya. That's how they started their first in the beach. Natutuwa rin siya dahil hindi na ito bugnutin, pero sa kasamaang palad ay parang lumipat sa kanya ang ugali nitong 'yon. She couldn't explain why.
They were just walking alongside the beach shore when he held her by the arm. Nakakaliyong kilabot ang dumaloy sa katawan niya sa simple na namang hawak nito.
"B-bakit?" Tiningala niya ito.
Gusto niyang kutusan ang sarili dahil nagkanda-utal na naman siya.
"Let's swim."
"Swim? As in, lalangoy tayo riyan?" Itinuro niya ang dagat saka umiling. "N---"
"Come on."
Natameme siya nang bigla na lang itong maghubad ng pang-itaas sa harap niya. Harumiyo! Bakit ba napakadali para sa mga lalaki ang bigla-biglang pagboborles? s**t lang! Halos magkandaduling siya sa pag-iwas sa katawan nito.
"B-bakit ka nakahu---"
Sa ikalawang pagkakataon ay hindi siya nito pinatapos sa pagsasalita. Hindi na siya nakapalag nang halos hilain na siya nito patungong dagat. At sino ba naman siya para tumanggi?
Hindi kaya nang katawan, utak at puso mo gano'n? Malanding 'to! nakaingos na wika nang isang boses sa kanyang utak.
Nang hanggang beywang niya ang tubig ay hindi na siya nagpahila pa rito. "Okay na ako rito, Trevor. Masyadong malakas ang hila nang alon, baka tangayin ako," naka-iling na wika niya sabay taboy dito.
"Are you serious?" kunot ang noo nitong untag.
Nandilat ang kanyang mga mata. "Mukha ba akong nagbibiro lang?" Napatili siya nang hilahin siya nang alon. Napahakbang tuloy siya palapit sa binata at kumapit sa matigas at malapad na balikat nito. Hanggang dibdib na kasi niya ang tubig. Pakiramdam niya ay para na siyang sinasakal ng tubig. "See? Madali lang akong tatangayin ng alon!"
Hinampas niya ito nang tawanan siya. But hey, it was the first time he laughed. And it was mesmerizing and oh-so-perfect. Natigilang pinagmasdan niya ang mukha nito.
"See? You're safe with me, Berlin. Kung tatangayin ka man ng alon ay kasama mo ako. Hindi kita bibitawan."
Napakurap siya. Ibang-iba talaga ang dating nang sinabi nito sa kanya. Bumibilis ang kabog ng dibdib niya.
She was out from a tranced state when he ruffled her hair. "That's my girl."
Napasinghap siya nang hindi na niya maabot ang buhangin. Nag-aalalang tiningnan niya ito. "Ayaw kong pagkalunod ang sanhi nang kamatayan ko, Trevor, ha? Hindi kita patatahimikin kapag nangyari 'yon!"
Naiinis siya! Hindi dahil sa posibilidad na malunod siya kundi dahil hindi niya makontrol ang bilis ng rigudon ng kanyang dibdib. Kulang na lang ay humulagpos iyon mula sa kanyang katawan. Lalo siyang nataranta nang maramdaman ang mainit na braso na pumalibot sa kanyang beywang. Dahil inilihis ng tubig ang kanyang pang-itaas na damit ay direkta sa kanyang balat ang hawak nito.
Nilalandi na ba siya nito? Kung oo, isang malaking hay, bibigay talaga siya agad.
"You have to relax your body," utos nito nang magtangka siyang kumawala. Ngunit nanlaki lang ang mga mata niya nang maramdamang humigpit ang hawak nito.
"I c-can't!"
"Well, you have to."
Naramdaman niya ang paggalaw ng daliri nito. Berlin gripped his face with her both hands. Nagsalubong naman ang mga kilay nito sa ginawi niya. Puno nang kaseryosohang tinitigan niya ito. "Don't move your fingers or else I am going to explode."
"What?!" tila na-eskandalo namang hayag nito.
Halos mapapkikit siya sa kahihiyan. Bakit ba naman ang halay pakinggan ng sinabi niya? Arrgh! Pero tinatagan niya ang damdamin.
"I'm serious!"
"Serious about wh---"
"I'm ticklish, okay?" sigaw na niya. "If you move your finger, I swear, I am going to smack this overly handsome face! Ibalik mo na nga ako sa dalampasigan, punyeta!"
Matagal itong nakatingin lang sa kanya. Kung sakaling mayro'n silang audience ay baka isipin ng mga ito na nababaliw na sila ni Trevor sa itsura nila ngayon. Halos mabaliw na nga siya nang kagatin ni Trevor ang pang-ibabang labi dahil sa pagpipigil na matawa.
"Alright," usal nito saka humakbang patungong dalampasigan.
"Overly handsome face, huh? Am I that good looking?" untag nito nang nakaupo na sila sa buhangin at kasalukuyang nakaharap sa dagat.
Dumakot siya nang buhangin at inihagis dito. "Ang kapal mo!"
He chuckled. Pinagpag din nito ang buhangin na tumama sa bandang tiyan nito. "Crazy," mahinang wika nito.
"Hah! Sino'ng baliw?"
He was smiling when he turned to her. Natulala na naman siya. "I am."
"Hah! Sina---mmmp!"
Nanlaki ang mga mata niya at nawindang ang kanyang damdamin nang kabigin nito ang batok niya upang sakupin ang kanyang mga labi. Nagkanda-buhol-buhol ang laman ng kanyang utak sa nangyayari.
What the hell is he doing?
Why is he kissing her?
Is this really happening?
Those are the questions that kept on circulating in her head right at that moment. Natapos ang halik na para siyang tuod na nakatingin lang dito.
"Sweetest," komento pa nito saka hinaplos ang gilid ng kanyang mga labi.
Naningkit ang mga mata niya nang magising sa katotohanan at bumalik sa kanyang katinuan. Umigkas ang kanyang kamao at dumapo sa panga nito. Sa lakas niyon ay isang malutong na mura ang pinakawalan ng binata.
Hah! Serves you, right! Ganyan ang napapala nang mga lalaking bigla na lang nanghahalik! Gash! That was just her first kiss! Ang unang halik na pinakaiingatan niya. She wanted it to be special for goodness'sake! Wala siyang reklamo na ito ang unang halik niya, eh. That isn't the issue anymore. Hindi na siya magpapaka-ipokrita pa. Ang himutok niya lang ay wala siyang nagawa kundi parang tangang na-estatwa lang. Malayong-malayo sa ini-imagine niyang mangyari, where she could respond and feel the kiss.
Padaskol siyang tumayo, kinuha ang lalagyanan ng mga nakolektang kabibe. "Papasok na ako sa loob!"
Iyon lang at iniwan na niya itong nakatingin lang sa kanya habang hinihimas ang nasaktang panga.
IBINAGSAK niya ang tasa ng kanyang kape sa mesa at umupo sa harap ni Trevor na abala sa pagsipat ng kung ano sa cellphone nito. Buong araw silang nag-iwasan pagkatapos ng nangyari kaninang umaga. Ang nakakainis pa ay parang wala man lang itong balak na humingi nang paumanhin sa kapangahasan.
Umangat ang tingin nito sa kanya nang hampasin niya ang lamesa. Salubong ang mga kilay nito. Huwaw! Ito pa ang may ganang umakto nang gano'n samantalang siya itong inabgrabyado.
Mas lalo siyang nanggalaiti nang muli nitong ibalik ang pansin sa cellphone nito.
"Hindi ka man lang ba hihingi nang kapatawaran?" naka-ingos na wika niya.
His attention whipped back on her, ngunit kunot-noo ito. "Para saan?"
Pinandilatan niya ito. Maang-maangan, kuya? "For the kiss!"
"Bakit naman ako hihingi nang tawag dahil do'n?
Ngalingali niyang tuktukan ang ulo nito. "Really? Itinatanong mo talaga 'yan? Trevor, hinalikan mo ako nang walang paalam! Hindi ba sapat 'yon na ihingi mo nang tawad?"
He clicked his tongue, shaking his head. "Berlin, hindi inihihingi nang tawad ang mga bagay na hindi pinagsisisihan."
Huwat? Binabaliw talaga siya ng lalaking ito! Naku!
"Pero wala ka pa ring karapatan na gawin 'yon! You don't kiss a girl whenever you feel like doing it. Kasi paano naman ang epekto no'n sa babaeng hinalikan mo? Girls are easy to fall for it! Huwag lang paasa, Trevor! Dahil hindi mo mamalayan na nakakasakit ka na pala nang damdamin! Huwag kang maging manhid sa maaaring maramdaman ng iba. That is, if you know what I mean!"
Hayun! Bumuhos na ang bugso nang kanyang damdamin. Hindi na niya pinigilan pa. Bahala na ito kung ano man ang isipin sa mga pinagsasasabi niya.
Mataman ang mga titig nito sa kanya pagkatapos. His lips were in a thin line and his eyes were hard. Kumakabog ang kanyang dibdib habang hinihintay ang magiging reaksyon o ang sasabihin nito.
"Are you..." Binitin nito ang sasabihin at bahagyang ikiniling ang ulo. Nagdadalawang-isip ba itong ituloy ang sasabihin? "Falling for me?"
There! He freaking dropped the bomb! At gusto na niyang sumabog!
Diretso ang tinging kumibot ang kanyang mga labi. Aamin na ba siya?
Eh, ano naman kung aamin ka na ngayon? Magugustuhan ka rin ba niya? Mamahalin ka na ba niya? wika ng isang tinig sa kanyang utak.
Berlin shook her head, heaving a deep sigh before she met his gaze. "Yes."