"What do you mean he's in a mafia? Akala ko ba- teka nga, naguguluhan ako. Bakit mo binalik 'yong pera?!" bulaga ni Astra kay Amber pag labas nito sa pintuan nang alas sais ng umaga. "I told you everything already. Did you not read the text I sent on the group chat?" tanong ni Amber pabalik. "Also, I knew what you did last night. 'Wag na kayo ulit gagalaw ng hindi niyo sinasabi sa akin. Hindi ko alam kung saan kayo hahagilapin. Akala ko kung ano na ang nangyari sa in'yo at anong oras na wala pa kayo!" Mabilis na tumiklop si Astra na kanin ay kumukuwestyon sa kaibigan. Alam niyang hindi ito magandang oras para inisin pa lalo si Amber. She looks extremely pissed. Lalo na at naka porma pa ito ngayon. She's wearing a black dress and for the first time, she's wearing black eyeliner that reall

