Amber’s POV “Amber! Bakit mo kami pinapunta rito ni Astra? Ang aga-aga, anong oras palang oh, six!” bungad sa akin ni Nyx Ann nang makasakay ako sa likod ng sasakyan. Nasa driver’s seat si Astra na parang gusto pang bumalik sa tulog dahil buong gabi rin siyang nandito lang sa may kotse. Tapos pinasundo ko pa si Nyx Ann kanina. “Oo nga, bakit ang aga- aga pa pero ang likot na ng puwet mo? Hindi pa yata gising ‘yong VIP. Hindi mo ba siya sasabayan sa pag uwi?” tanong naman ni Astra habang humihikap pa. “He’s still sleeping. I had to leave early, there’s a lot of things to do. At isa pa, binigyan niya ako ng day off ngayon. Hindi naman na siguro siya maiinis na iniwanan ko siyang tulog, may pagkain na rin doon.” “Cold hearted b*tch,” nanlalaki pa ang mga mata ni Nyx Ann nang tawagin niy

