"Well, I don't know what else to tell you guys. We just flew away from the restaurant, nothing else," iritableng inilapag ni Amber ang kan'yang gamit sa maliit na sofa. Hindi niya inaasahan na pag- uwi niya ay bubulaga itong dalawa niyang matalik na kaibigan na handang- handa na siyang pag-chismisan. Hindi pa nga siya nakakapagpahinga ay sinalubong na siya ng mga ito ng napakaraming katanungan. Unang tanong ay tungkol sa kung ano raw ang ginawa nilang dalawa ni Blake habang pa- uwi sila. Pangalawa, anong ginawa ni Blake noong nagkita niyang takot at naiiyak ang babae. At pangatlo, bakit mas matagal bago siya naka-uwi ngayon. "Oh? Ngayon tahimik lang kayo riyan at hindi kumukurap? Anong gusto niyong sabihin ko? Na pagkatapos namin umalis sa Black Leaf noong nakita niya ako na nag-iiyak iya

