KAKAIBANG BILIS at pambihirang lakas ang naramdaman ni Speed nang biglang kumawala mula sa kanyang katawan ang higit na mas malakas na Black Aura. Dahil sa nakita niyang bangkay ni Luther, ay dito na nagising ang kanyang demon-side. Katulad ni Beazt, nang lamunin na ito ng kabuuang bahagi ng kanilang pagiging demon ay mawawala ang tipikal nilang pagkatao at mas mangingibabaw ang pagiging halimaw nila. Kasama ito sa pagiging isang malakas na demon, at sa oras na matalo nila ang paglamon nito sa kanilang utak, ay dito pa lang nila magagamit ang buong potensyal ng kanilang kapangyarihan. Pakikipaglaban at pagpatay sa mga kalaban, ito ang nasa isip nina Speed at Beazt nang sila ay maging mga ganap na demons. Si Speed nga ay nagawa pa ring makontrol noong una ang kapangyarihang mayroon

