KINABUKASAN, isang araw ang nakakalipas sa Purif City, maagang tumungo si Kuro na kasama ang iba pang mga Heroes ng siyudad. May ilan din namang naiwanan para magbantay sa lungsod dahil may posibilidad pa rin na sila ay salakayin ng kanilang mga kalaban. “Hindi na ligtas ang mundo,” sambit ni Kuro, ito ang kanyang pahuling salita sa mga heroes na maiiwan sa Purif City. Kailangan nilang magbyahe patungo sa Helcs City, dahil nga namatay si Luther na siyang kanilang teleporter sa mga ganitong klaseng paglalakbay. Ang pagsakay nga sa tren ang pinakamabilis na maari nilang sakyan papunta rito. Komokonekta kasi ang riles nito sa walong siyudad ng mundo. Kailangan din nilang maging alerto sa kanilang paglalakbay sapagkat mga demons ang kanilang kasama rito. May posibilidad kasi na anu

