KINAHAPUNAN ay agad na nagpulong ang BOT ng Purif School at kasama na rin dito ang ilang mga guro ng paaralan. Narito rin ang anim na members ng Purif 8 na pinangunahan ni Hellio. Iba ang atmospera sa loob ng silid na iyon kumpara sa mga dati nilang pagpupulong. Ang lahat kasi ay seryoso at tahimik lang na hinihintay si Sir Kuro. Wala ni isa sa mga ito ang nagsalita o nangumusta tungkol sa nangyari kanina. Napalingon na lang sila nang bumukas na ang pinto ng silid. Pumasok na si Kuro at madilim ang paningin nito na pumunta sa gitna ng mahabang mesang iyon. Isa-isa muna nga niyang pinagmasdan ang bawat isa at pagkatapos ay seryoso itong umupo. Isang mahinang pag-ubo ang ginawa nito bago tuluyang magsalita. "Magandang hapon sa inyo," bati niya sa mga nasa loob. Sumagot naman

