NAGSUHESTYON pa si Norlaz kay Beazt na maaari niyang gamitin ang kanyang abilidad para ibalik ang lakas ng natitirang mga demons sa paligid upang mabawasan ang mga kakailanganin upang mahuhay si Speed, subalit kilala ng binata si Speed. Gusto ni Speed maging Hero at kung iyon ang magiging paraan upang muli itong mabuhay, ay sigurado siyang hindi ito magiging masaya... at ayaw niyang iyon ang mangyari. ***** ANG ARAW na ginanap ang Tagisan sa Purif School, ay isa sa araw na hindi makakalimutan ng mga narito. Ang alarma ng paaralan ay tumunog, dahilan ito upang ang lahat ay mapansin iyon. Maraming mga nasa labas ng paaralan ang biglang huminto sa kanilang ginagawa dahil dito. "A-ano'ng nangyayari sa paaralan?" tanong ng mga dumaraan. Ganoon din ang mga nakasakay sa kanilang m

