HABANG papalapit si Bazil sa bumagsak na si Beazt ay isang malakas na presensya ang bigla na lamang niyang naramdaman. Wala siyang ideya kung saan iyon galing, ngunit nang makita niya ang pagtalsik papalayo ng mga bato at ng lupang tumabon kay Beazt ay napaatras na lang siya bigla. Bahagyang kumawala ang hangin at ang paligid ay yumanig. Nakita niya ang pagkawala ng itim na aura mula sa katawan ng binatang nasa kanyang harapan. Tila isang usok iyon na unti-unting kumakalat sa paligid. Habang nangyayari iyon ay napansin ni Bazil ang paghigop ng itim na aura na iyon sa kanyang aura na naging dahilan upang siya ay makaramdam ng takot sa mga pwedeng mangyari. Ang kaninang matapang niyang imahe ay napalitan ng isang natatakot na demon. Nanginginig ang kanyang katawan. Habang siya nga ay

