IKINALMA ni Zargus ang kanyang sarili at nang tawagin niya ang kanyang mga puppets ay biglang nayanig ang paligid. Sa kanyang harapan ay tatlong itim na portal ang lumitaw na sinundan ng pagpasok ng mala-sinulid niyang aura rito. Mula roon ay unti-unting umangat ang ulo ng tatlo niyang puppet. Ito ay tatlong may kalakihang mga puppet na gawa sa kahoy ang lumitaw sa harapan ni Zargus. Una na rito ay ang nasa kanyang harapan, ang tinatawag niyang Salamander. Makikitang ito lamang ang nakadapa sa tatlong puppets ni Zargus. May walong mga paa ito na siyang ginagamit nito upang makagapang sa lupa at ang likod nito ay may nakalagay na isang malaking metal na may mga ngipin na kung titingnan ay tila sumasara ito. Ginagamit ito minsan sa pag-ambush ng mga kalaban. Habang nakalubog sa lupa ang

