SA LOOB ng isang napakadilim na silid sa isang malaking palasyo sa gitna ng Dead Zone, ay isang demon ang kasalukuyang nakaupo. Nakatingin siya sa malayo habang may malalim na iniisip. Ang totoo nga’y ilang buwan na siyang narito at hindi pa lumalabas. Ang silid na tanging siya lamang ang nakakapasok. Kung magkakaroon lamang ng liwanag sa loob ay makikita rito ang mga kalansay ng kung sino-sino. Makikita rin sa paligid ang mga wasak na gamit at tanging ang isang itim na upuan sa may bintana rito ang makikitang buong gamit sa loob. Ang silid na ito ay nasa tuktok ng pinakamataas na tore ng palasyo, at walang sinuman ang nakakapunta rito maliban sa hari ng lugar na ito... ang Demon Lord. Hangga't hindi pa dumarating ang araw ng kanilang paglabas sa liwanag ay paulit-ulit lang

