HINIHINGAL si Hellio matapos ang pakikipagsabayan niya sa isang malakas na demon na may katulad din sa kanyang abilidad. Ang kasama nga niyang si Boro ay kasalukuyan namang katabi si Luke. "W-walang tutulong sa akin! Tatalunin ko ito gamit ang lakas ko," malakas na winika ni Hellio sa dalawa na nasa hindi kalayuan mula sa kanya. Ito ang matigas na bilin ni Hellio matapos na magtama ang dalawang kulay ng apoy nila at ng isang demon kanina. Isang surpresang atake kasi ang ginawa ni Flavio na nagawa namang sabayan ng number 1 sa Purif 8. Nakakuyom na ang kamao ni Boro habang pinagmamasdan si Hellio. Nagliliwanag din ang kanyang Orange Aura at maganda ang daloy nito sa kanyang katawan. Kanina pa nga niyang gustong tulungan si Hellio sapagkat kitang-kita ang kalamangan ng demon na h

