"Geeeshh, hindi mo alam? Si Caspian at si Xyvill!" Pagkukwento ni Valkyrie sa kaniya. "Base sa nakalap kong chismis..." Inakbayan kami parehas ni Valkyrie bago bumulong. "May ka-MU si Xyvill tapos... nagkaaffair daw si Caspian dun sa girl." Pabulong niyang sabi with matching lingon pa sa paligid, kahit mahina ang boses niya rinig parin namin. Napataas ang kilay ni Liam. "Ehh?" Mukhang walang pakialam niyang react. Habang parang may sign sa mukha niyang the hell I care."Pft.." Pinigilan kong kumawala ang tawa sa sistema ko. Ramdam kong parehas silang napatingin sakin. Baliktad, Valkyrie. Mali ang chismis mo samin. "Brielle, tunay yun! Bakit mo ko tinatawanan!" Nakapout niyang sabi sakin. Kaya agad akong tumikim at umayos. "Tara na nga, baka hindi natin maabutan yung laro." Pagchachange ko

