Inayos ni Valkyrie yung upuan niya na sinipa ni Xyvill. Tahimik parin yung paligid at walang daring na nagsasalita. Mukhang takot na takot. Sila Liam, Noah, Vladimir at Caspian naman mukhang walang pakialam sa paligid. Napatingin ako kay Valkyrie ng magsalita siya. "Kung selos yung isa jan. Wag naman sanang idamay yung silya ko ohh." Sarkastik na pagpaparinig niya kay Xyvill na nakaubob na ulit. Hindi siya pinansin nito kaya lalong uminit ang ulo niya. "Tskkk!" Padabog siyang umupo bago naghair flip. Tiningnan ko siya na nakatalikod sakin. Tumaas ang sulok ng labi ko. Ang cute. I swear, magkabati ang dalawang 'to dati. Hindi ko alam kung bakit biglang uminit ang ulo ni Valkyrie dito kay Xyvill. Gawa siguro yun nung time na nilait ni Xyvill yung cooking skills niya. Ehh hindi naman niya k

