CHAPTER 41 STEPH POV: HALO-HALONG emosyon naman ang aking nararamdaman ngayon matapos akong buhatin ni Lance na parang isang sakong bigas. Kahit na medyo mabigat ako ay parang wala lang ito sa binata. Hindi ko alam kung anong klaseng trip ba ang sumagi sa kokote ng kaibigan ko dahil nagawa niyang gawin ito sa mismong maraming tao. "Lance ano ba?! I said put me down! Bingi ka ba ha?! Ginagalit mo lang ako lalo!" pagsisigaw ko sa kanya habang pinapalo ko ang likuran nito. Hindi ko maiwasan na sigawan ang lalaki at halos umusok na rin ang aking ilong sa galit dahil sa ginawa niya. Nakakagulat siya! Bigla ba naman akong buhatin dahil lamang sa simpleng pagtatalo namin. Kaya ko lang naman nagagawang iwasan siya ay dahil ayoko ng gulo. Pero pana'y sunod at buntot pa rin ang lalaking ito

