CHAPTER 42 Glen POV: "LOOKING FOR HER?" tanong ni Samantha habang kumakain kaming dalawa ng sandwhich. Kasalukuyan ko siyang kasama ngayon dito sa cafeteria. At nahalata yata ng babae ang mga mata ko na hindi mapakali sa kakahagilap sa babaeng si Steph. Kanina kasi ay nakita namin siyang mag-isa na pumunta rito, pero kinalaunan ay nawala rin ang dalaga sa paningin ko. Hindi ko tuloy alam kung saan siya ngayon sumisiksik. Baka mamaya ay kasama na naman nito si Lance. Kapag talaga nalaman kong magkasama ulit ang dalawa ay malilintikan si Steph sa akin. "Tsk... Ang babaeng 'yon, pinapainit ang ulo ko," asar kong bigkas nang ilapag ko ang baso sa mesa na siyang ininuman ko ng juice. "Hay naku Glen... Sinisi mo pa talaga yung babae. Eh ikaw itong ma-pride. Nakita mo na siya kanina, hin

