CHAPTER 43 Steph POV: NAPAHINTO naman ang sasakyan ni Lance sa tapat mismo ng isang kubo na kung saan sa hindi kalayuan ay natatanaw ko kaagad ang malawak na dagat. Rinig na rinig naming dalawa ang hampas ng ahon na sobrang nakakawala ng stress kapag pinapakinggan. Dito ako ninais na dinala ni Lance. Bigla ko tuloy naalala ang una naming pagkikita ni Mr. Mysterious. Sa isang dagat din 'yon na kung saan ay pinaramdam niya sa akin kung gaano ako ka-special na tao sa buhay niya. Trinato niya ako na parang prinsesa na handa niyang ibuwis ang kanyang buhay mailigtas lamang ako. Kaso lahat nang 'yon ay hindi niya na maalala pa. Kinalimutan na ako ni Mr. Mysterious na siyang si Glen na ngayon. Nakakalungkot lang na umabot kami sa ganitong punto na para bang hindi niya na ako makilala. Wala

