CHAPTER 58 Steph POV: DAHIL sa pinakita kong ugali na puno ng kamalditahan sa katawan ay hindi na nga ako pinansin pa ni Tina. Siya na itong umiwas at kusa na rin siyang lumayo sa akin. Tila napahiya ko yata siya nang husto at natapakan ko ang kanyang pagkatao kanina nang magkaroon kami ng alitan at awayan. Maituturing ko na isang katangahan at kabobohan ang aking ginawa. Masyado ako naging uto-uto at hinayaan ko ang aking tenga na magpadala sa mga salita ni Glen kaya humahantong ako sa ganitong sitwasyon. Sa sitwasyon na hindi ko naman deserve. Nagsisi tuloy ako kung bakit nagawa kong magpauto kay Glen at sundin ang gusto niya. Buong akala ko kasi ay magiging maayos kami pakatapos kong iwasan si Tina. Pero nagkamali ako, nautakan niya lang ako dahil meron na naman siyang ibang bab

