CHAPTER 59 Lance POV: KASALUKUYAN naman akong nakahiga sa malaking sanga at nakikinig ng music. Hindi ko na kasi naabutan si Ganda sa kanyang classroom kaya napagdesisyunan kong tumambay na lamang dito para magpahangin. Maging si Tina ay hindi ko na rin nakita na tila pareho silang maaga na umuwi. Ang totoo ay nami-miss ko na ang bonding naming tatlo. Ang solid ng samahan namin noon nang hindi pa dumarating si Glen sa buhay namin. Pero nang sumulpot siya ay marami ng nagbago sa aming samahan. Pakiramdam ko nga ay unti-unti na itong nasisira dahil sa mga problemang dumarating. HABANG nasa kalagitnaan naman ako nang pagpapatugtog ng music ay bigla itong natigil nang tumunog bigla ang aking cellphone at kitang-kita ko naman sa screen na si Tina mismo ang siyang tumatawag. Minsan na ng

