CHAPTER 60 Steph POV: PANIBAGONG UMAGA NA NAMAN. Bumangon na ako para tingnan ang polo na siyang nilabhan ko kagabi. Sa sobrang pagod ko ay hindi na sumagi sa isipan ko na i-check kung tuyo na ito kaya ngayon ko pa lamang ito titingnan. Buti na lang at saktong tuyo na itong polo ni Glen na siyang sinabi niyang susuotin niya. Agad ko naman itong kinuha para ibigay na sana ito kay Glen. Alam ko kasing gising na ito at tila tinatamad lang yata siya na lumabas. Kaya ako na mismo ang siyang pupunta sa kanyang kwarto nang sa gano'n ay hindi niya na kailangan na tumayo. Lumapit naman ako sa mismong tapat ng pinto at kumatok ng tatlong beses. "Good morning Glen... Pwede ba akong pumasok?" mahinang pagbati ko sa kanya. Para bang busy siya sa panonood ng movie dahil naririnig ko ang tunog

