CHAPTER 61

1356 Words

CHAPTER 61 Steph POV: NASIRA na ang araw ko ngayon dahil sa bisitang malandi na pumunta rito sa condo ni Glen. Siya ang dahilan kung bakit tila gusto kong pumatay ng tao. Kanina pa akong nagtitimpi sa kanilang dalawa. Halos ginawa na rin ako ni Glen na katulong dito dahil pana'y utos siya sa akin dahilan para mapagod ako sa kakabalik-balik. "Yaya, timplahan mo nga kami ng juice." "Yaya, kunin mo nga yung dessert sa ref." "Yaya, bili ka ng popcorn sa labas! Gusto ni Shaira ng popcorn. Samahan mo na rin daw ng fries!" Yaya! Yaya! Puro na lang yaya ang nasasabi ni Glen sa akin. Utos dito, utos doon. Hayyy ewan ko ba at panay sunod naman ako sa kanya. Dakilang TANGA at UTO-UTO ako. Marami kasing request ang pusit na babaeng kasama niya sa kwarto, kaya ako tuloy itong lagi niya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD