CHAPTER 37 Steph POV: Mapait akong napangiti nang marinig ko ang naging sagot ni Glen sa tanong ko. Hindi naman ako nagulat sa tinuran niya dahil ito naman talaga ang inaasahan ko. Buong gabi kong iniisip na siguro ay nasa bahay siya ng ibang babae. Pero mas masakit pala kapag narinig mo na mismo ito galing sa bibig niya. Nakitulog nga siya sa bahay ng isang babae. At hindi ako magkakamali na sa bahay 'yon ng babaeng kausap niya sa phone noong isang gabi, at may callsign pa nga silang dalawa dahilan para malaman kong may ugnayan o relasyon sila Glen at ang babaeng kasama niya kagabi. Tila tumamlay naman ang kilos ko ngayon. Pakiramdam ko ay hindi ko na kayang tapusin pa ang pagwawalis. Para kasi akong sinabuyan ng acido sa aking puso matapos kong marinig ang sagot ng lalaking maha

