CHAPTER 38

1029 Words

CHAPTER 38 Lance POV: GUMISING ako nang umaga at pumasok din nang maaga para abangan sa gate si Steph. Alam ko kasing papasok siya ngayon dahil nagawa na nitong umabsent kahapon. Kaya lang, kanina pa akong naghihintay ay hindi pa rin siya dumarating. Hindi ko tuloy mapigilan ang aking sarili na pag-isipan ng masama si Glen. Tiyak kong may ginawa na naman ang hayop na 'yon para pigilan si Steph na pumasok. "Namumuro ka na talaga Glen... Pasalamat ka, ikaw ang lalaking minahal ng babaeng iniibig ko," mahinang saad ko sa aking isip kasabay nang pagsipa ko ng maliit na bato. Hindi ko inaasahan na matatamaan nito si Tina na siyang papasok ng gate. Kaya sa halip na si Steph ang bumulaga sa mata ko ay si Tina itong nasilayan ko na hawak-hawak ang kanyang tuhod na siyang natamaan ko ng bato

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD