SIX

2080 Words
Nagising ako sa sikat ng araw. Ang sakit ng katawan ko. Okay lang kahit masakit pa ang down down down there chorvah ko. Wala naman akong pinag sisihan sa ginawa namin ni Kuya Kris kagabi. Masaya pa nga ako, ewan kakaiba ang feeling ko ngayon pero wait?!! “Kuya?” Tawag ko kasi wala na pala akong katabi, sumilip ako sa CR baka nandun pero wala. Kaya naman agad agad akong naligo at ginawa ang mga morning rituals ko. Monday pa naman ngayon tapos late ako. After lunch nalang ako papasok since 11am na. Pag­katapos ko gawin ang dapat gawin bumaba na ako. Baka andun si Kuya. Para akong baliw na bigla biglang ngingiti sa tuwing maaalala ko yung nangyari kagabi. OMG! Lahat yata ng dugo ko napunta na sa muka, kinikilig ako. Pagbaba ko wala pa din si Kuya. Nag punta ako sa kusina para kumain ng breakfast, may napansin akong note sa may ref. “Pau, nauna na akong pumasok. Hindi na kita ginising ang sarap kasi ng tulog mo. :P ----Kris” Simple lang yung note na iniwan nya pero iba ung effect nya sakin. Ang sweet talaga ni Kuya Kris!! MyGod buo na agad ang araw ko. Sa sobrang excited ko. Hindi na ako nakakain, kaya nag madali na akong umalis ng bahay, eto ang ayaw ko ang mag commute. Bukod sa all white ang uniform ko, siksikan sa bus. No choice hindi naman ako pinapayagan pa mag drive. Saktong lunch time naman ng dumating ako sa school, patakbong lumapit sakin si Ailee. “Pau, okay ka lang ba?” Nag aalalang tanong nya. “Huh? Ang OA lang Ailee. Okay lang ako. Minsan lang naman ako malate ng gising, si Kuya kasi hindi ako ginising.” Masayang saad ko. “Sure ka? Kasi si Nico, nag punta sya dito kaninang umaga hinahanap ka. Tinanong ko naman kung bakit hindi naman nya sinabi. Mukang nag aalala yung tao para sayo. May nangyari ba?” Biglang bumalik sa isip ko yung mga nangyari kagabi except sa nangyari samin ni Kuya, hindi ko kasi makalimutan yun. Hahaha hindi na ako virgin pero masaya? Oo masaya ako dahil nakuha ni Kuya. At naisip ko na naman yung about kay Samantha and Nico. Plus yung pangloloko pa ni Samantha. “Ah. Later ko na ikkwento, sa ngayon please kumain na muna tayo. Hindi ako nag breakfast.” Dahil sa sobrang excited ko pati ang gutom ko nakalimutan ko.  “Sige na nga. Ano ba kasing pinagkaabalahan mo kagabi at napuyat ka. Oy Oyy bakit ka namumula, may sakit ka ba?” Sabay hawak nya sa noo ko. "Ang OA mo talaga. Halika na nga kasi, wala akong sakit and okay lang talaga ako.” Pag nababanggit yung kagabi namumula talaga ako. Habang nasa canteen kami. Kinukulit na talaga ako ni Ailee na mag kwento sa nangyari kagabi. May choice pa ba ako? Since bff ko naman sya kaya sasabihin ko yung nangyari except yung samin ni Kuya, hindi pa kasi ako ready sabihin sa iba yun. “So sa haba ng sinabi mo si Nico and Samantha ay may something dati? Tapos naki pag break tong si Samantha sa Kuya mo kasi mahal pa daw ni Samantha at Nico ang isa’t-isa. Aba loko yung mga yun, akala ko mabait yung si Nico. Boto pa naman ako sakanya para sayo.” Na gets din ni Ailee ang kwento. Dapat pa ba silang pagkatiwalaan? “Ganun talaga ang mga tao ngayon. Hindi na natin alam kung sino ba talaga ang dapat pagkatiwalaan. Mga mukang mababait lang, pero nasa loob ang kulo.” Habang naka upo kami, may lumapit samin. Nasa may likuran ko sya. Alam kong may tao. Sino naman kaya to? Bakit ang sama ng tingin ni Ailee kung sino man yung tao na nasa likod ko. “Pau, pwede ba tayong mag-usap?” Nagulat ako sa boses na yun, kahit hindi ko tingnan alam kong si Nico ang nasa likuran ko.  “Ano pang pag-uusapan nyo ni Pau, isa ba to sa palabas nyo? Oh teka baka nandito si Samantha” Lumingon lingon pa si Ailee para tingnan kung nandun nga si Samantha. “I’m really sorry talaga pati sayo Ailee, hindi ko naman sinasadya yung mga nangyari. Please lang bigyan nyo ako ng chance na maka pag paliwanag.” Tumingin ako sa wrist watch ko. “May 15 minutes na lang before mag start ang next class namin” Pagkasabi ko ay agad syang umupo sa tabi ko. “Bata pa lang kami magkakilala na kami ni Samantha.” Pag uumpisa nya, feeling ko malalate kami nito eh. Umpisahan ba daw ang kwento nung mga bata pa sila. “Anong next subject natin Ailee” Pag puputol ko kay Nico “Electrotherapy tayo pero lecture lang naman” Sagot ni Ailee, so pwedeng hindi pasukan. Hahaha tinatamad din ako. Late na din naman ako, e'di sulitin na. “Sige. Tuloy mo na ulit Nico.” Sabi ko. Pero hindi pa din ako nakatingin sakanya. “Mga bata palang kami noon, gustong gusto ko na talaga si Samantha. Kakaiba sya sa lahat ng mga babae na nakilala ko. Kahit mahirap lang sila at maagang namatay ang Tatay nya kinaya nila yun ng Nanay nya.” Nakikinig lang kami sa kwento nya. Gusto ko na rin namang malaman kung ano ba talaga yung masamang enerhiya na nararamdaman ko kay Samantha. “Naging kami noong high school pa lang kami 1st year sya 3rd year naman ako. Okay ang lahat samin, hanggang sa nalaman ng parents ko. Ayaw talaga nila kay Samantha, kaya ginawa nila ang lahat mapag hiwalay lang kami. Dumating sa point na pinadala nila ako sa America para doon mag-aral. Kahit nandun ako nakikibalita pa din ako sa mga kaibigan ko kung kamusta na si Samantha. Nalaman kong nagbago na sya, hindi sya nag karoon ng stable na relationship kahit kanino. Dumating sa point na kaya na lang nakikipag relasyon si Samantha dahil sa mga bagay na ibinibigay ng magiging boyfriend nya, katulad ni Kris lahat ng gustuhin nya ibinibigay dahil nga sa mahirap lang sya kaya ang hinahanap nyang maging boyfriend ay yung mayayaman, hindi ako nagagalit sa ginawa nya kundi naawa pa ako sakanya.” Mahabang paliwanang nya. “Pero kasama ako tuwing hinahatid namin sya sa labas ng village nila. Kaya paano mo nasasabing mahirap si Samantha, maayos naman lahat ng gamit nya.” Sabi ko, kasi totoo naman na maayos si Samantha. “Village? Hindi sila dun nakatira. Hanggang ngayon nasa may iskwater area pa din sila nakatira.” Sabi ni Nico. Gusto ko makaramdam ng awa sa kanyan ngunit niloloko nya pa din kami. “Niloloko lang pala kami ni Samantha, kaya pala never pa syang pumayag na sunduin namin sya sa bahay nila. At sa tuwing ihahatid naman namin sya hanggang dun lang kami sa labas ng village. So it means kaya sya nakaka pag-aral sa University natin ay dahil nga sa scholar din sya.” Pero kahit ganun dapat hindi sya nanloloko ng mga tao. “Bumalik ako sa Pilipinas, hindi dahil gusto kong makipag balikan ulit sakanya kundi upang tulungan sya. Naka move on na ako kung ano man ang meron kami dati. Pero alam kong hindi pa rin nya makalimutan yun. Ang buong pagkaka alam nya ay babalikan ko sya dahil mahal ko pa din sya. Siguro mahal ko sya bilang kaibigan, pero hindi na hihigit pa dun.” Nakaka awa talaga ang buhay nya, pero hindi nya kailangan maging mayabang at mapag mataas pa sa buhay. Kung sa tutulungan sya, pwede din naman kami tumulong wala namang problema sakin ang magbigay sa kapwa basta makatulong. “Papaano mo ipapaliwanag yung sa elevator? Sa Mcdo? Yung nakita at narinig ni Pau kagabi?” Sabi naman ni Ailee, tahimik lang sya at pinag mamasdan si Nico. Siguro inaalam nya kung nag sasabi ba sya ng totoo. “Pupuntahan ko talaga sya nun sa 5th floor kaya ako nasa Wang building that time, gusto ko na kasi sya maka usap at matulungan na din, nag kataon lang na, na meet ko dun si Pau which is kapatid pala ni Kris na boyfriend ni Samantha. That time hindi ko alam na ikaw pala yung kapatid ni Kris.” Humarap sya sakin at ngumiti. Hala bakit ang gwapo? Erase erase. Galit pa din pala ako. “Oh tapos? Naka usap mo naman ba?” Tanong ni Ailee. “Hindi, kasi pinag tatabuyan nya ako. Ayaw nya daw ako maka-usap. Ilang beses ko sya sinubukan kausapin simula nung naka uwi ako dito, lagi syang umiiwas sakin. Siguro na misunderstood nya yung pag sunod-sunod ko sakanya. Akala nya siguro ay mahal na mahal ko pa sya. Yung sa Mcdo naman. Hindi ko alam na nandun din pala kayo, kahit sina Samantha at si Kris, hindi ko sinundan si Samantha that time aaminin ko nung nakita ko si Pau sinadya ko talaga kayong lapitan” Nagulat ako sa sinabi nya. Bakit nya ako lalapitan. “At bakit naman? Anong balak mo kay Pau?” Nakaka takot naman mag tanong ngayon si Ailee. Kung dati feeling close sya kay Nico ngayon akala mo imbestigador. “Noong unang beses palang kami magkita sa elevator, alam kong may weird feelings akong naramdaman. Hindi ko mapaliwanag, nun ko lang yun naramdaman. Kaya naman nung nakita ko sya ulit agad agad akong lumapit. Hindi ko alam sa sandaling oras tayo nag kausap usap naging malapit ang loob ko, lalo na sayo Pau.” Sabi nya habang nakatitig sakin. Ano ba! Nag co-confess na ba sya? Hahaha Ay feelingera much ako. “Kaya ba nung naiwan tayo sa Mcdo, nagyaya ka na mag mall tayo kasama si Pau? Aminin mo nga samin may gusto ka ba kay Pau?” Talaga naman si Ailee straight to the point mag tanong. “Ailee!” Sinita ko sya at tiningnan nang masama. “What?” sabi nya “Kahit sino namang lalaki magkaka gusto kay Pau” At ngumiti pa ang loko. Ay nako weakness ko yung mga ganyang ngiti. Pero mas gusto ko pa din yung ngiti ni Kuya Kris. “Sabi na eh! Bagay talaga kayong dalawa! Alam mo ba nung una ka nyang makita sabi nya sakin crush ka na daw nya. OMG!” Parang baliw na kinikilig si Ailee with matching palakpak pa. Muka sya sea lion. hahaha Natawa na lang si Nico at ako naman ay parang gusto ko na lang bumukas ang lupa dito at lamunin ako. Hiyang hiya na ako sa mga pinag sasabi ni Ailee. “Teka, bago tayo magkalimutan bakit ka naman nakipag kita kagabi kay Samantha?” Tanong ni Ailee na parang nasaksihan nya ang mga pangyayari, samantalang ako naman ang nag kwento sakanya. “Kasi pumayag na sya maki pag usap. Ang buong akala nya kasi ay babalikan ko sya. Sya ang tumawag sakin at sinabing nakipag break na daw sya kay Kris dahil until now ako pa din daw ang mahal nya, kaya I grab the opportunity na maka-usap sya. Pumayag akong makipag kita, hindi ko naman expected na nandun din si Pau.” malungkot na kwento ni Nico samin.  “Hindi ko alam! Naaawa na nagagalit pa din ako sakanya.” Pagtatapat ko sakanila, hindi naman nila maiaalis sakin ang magalit kay Samantha dahil sa mga pinag gagawa nya samin. “Pau, alam ko naiintindihan ka namin. Kuya mo ang involve dito, kaya tama lang na magalit ka kasi niloko nya din si Kris” Pag sang-ayon ni Ailee sakin. "Naiintindihan din kita, so pinapatawad mo na ba ako?” Medyo kinakabahang tanong ni Nico. “Ewan ko. Pag iisipan ko.” Pero sa isip ko. Okay na kami, hindi ko naman kayang magalit ng matagal since sinabi na naman nya ang totoo samin. Gusto ko lang naman malaman ang buong kwento. “Asus. Nag pakipot pa nga. Bilis na patawarin mo na. Kinikilig talaga ako sainyong dalawa.” Pang-aasar pa ni Ailee. Hindi nakakatulong. “Oo nga naman, patawarin mo na ako. Please Pau.” Parang batang nagmamaka-awa sakin.  “Fine, pinapatawad na kita.” Sabi ko at sabay abot ng kamay ko para maki pag shakehands. “Grabe Pau, holding hands talaga?” Loka loka talaga tong babaeng to, at inabot din ni Nico ang kamay nya para makipag shakehands. “Friends?” Tanong nya. "Friends” Sagot ko. Wala na, hindi na talaga kami pumasok sa class namin. “Dahil hindi na din naman kami naka pasok sa class namin, libre mo na lang kami Nico.” Hindi ko alam kung nasaan ang hiya ni Ailee! Lord baka alam nyo paki balik naman po sakanya. “Sure, friends na naman tayo diba?” Sabi ni Nico na natatawa tawa pa. Baka akalain nyang mabilis lang nya kami makukuha sa mga libre. “Yes, friends na tayong tatlo." Para namang nakapag recruit pa si Ailee ng bagong friend. Tapos kumindat pa sakin.  “Tara na nga sa Mall.” Pag aaya nung dalawa. Biglang nag vibrate yung phone ko. Agad agad ko naman tiningnan kung sino ang nag text From: KUYA Where are you Karissa Pauline? Kinilig ako sa text kaya agad agad akong nag reply. Me: Sa school pa, why? Miss me ? Kuya: Okay. Text me if tapos na class mo. Sunduin na lang kita, nasa bahay na ako. Me: No need Kuya, baka si Ailee na lang ang mag hatid sakin pauwi. Kuya: Sige, ingat kayo! “Hoy! Sasama ka ba samin? Hindi ka na naka alis dyan ah. Sino ba yang ka text mo? Makangiti wagas lang?” Sita sakon ni Ailee. Ay naku panira talaga ng moment to. Pero bago pa ako maka sagot kay Ailee nag vibrate na naman ang phone ko From KUYA: We need to talk. I’ll wait for you. Bigla akong kinabahan, hindi maganda ang feelings ko ngayon. Wag naman po sana.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD