SEVEN

2812 Words
dedicated to noneedtoknow_stalker We need to talk. I’ll wait for you Bigla akong kinabahan. Hindi maganda ang feelings ko. Wag naman po sana. Hindi na ako nag reply hinatak na kasi ako ni Ailee.  Nakarating kami sa mall. Gusto nung dalawa manuod ng movie. Kaya heto kami naka pila. Manunuod daw kami ng “Bakit hindi ka crush ng crush mo?” yan nga yata yung title, hindi ko kasi alam kung ano na ba talaga ang nangyayari. No choice naman ako kailangan kong sumama sakanilang dalawa.  Almost 1 hour and 30mins na akong naka upo sa loob ng sinehan. Pero wala akong naiintindihan sa pinapanuod ko. Ang daming what ifs. What if sabihin ni kuya na kalimutan nalang namin yung kagabi, what if nalaman na nina Nanay? What if palayasin na ako, what if. What if mabaliw na ako? Ang ganda sana nung movie. Nakakatawa, kasi naman yung mga katabi ko kanina pa tawa ng tawa samantalang ako eto kinakabahan. Bagay nga sakin yung movie. Oo nga naman bakit hindi ako crush ng crush ko? Oh let me correct that bakit hindi ako crush ng kuya ko.? No no no! Impossible talaga mangyari to. Baka itakwil na akong anak nina Tatay pag nalaman nila yung ginawa namin. Wag naman po sana. Naririnig kong nag kukulitan sina Ailee and Nico. Bakit ba ang ingay nitong dalawa. “Baka ikaw ang naka relate dyan” Tawa ng tawa si Nico “Ewan ko sayo!” Sumimangot naman yung isa. “Sabi na nga ba. Hindi ka nga crush ng crush mo.” Inasar pa ng inasar ni Nico si Ailee. “Paki mo ba. Tss” Pikon na yung isa. Medyo natatawa na ddinako sakanila. Pero nandito pa din yung kaba ko.  “Sino  ba? Malay mo kilala ko. Ilalakad na lang kita sakanya.” Sino nga ba ang nagugustuhan ng kaibigan ko? “Ayoko ngang sabihin baka asarin mo lang ako." Medyo namula ang pisngi nya. Nahihiya ba sya kay Nico. Nag uusap pa sila pero hindi ko na maintindihan yung iba pa nilang pinag usapan kasi nag space out na naman ako. Kinakabahan talaga ako. “Pau, okay ka lang ba?” “Huh?” Napansin ko kasing nakatayo na sa harap ko si Nico and Ailee, tapos na pala ang movie na pinapanuod namin. Ni wala man lang akong naintindihan kahit ano. “Anung huh ka dyan? Kanina pa tapos yung movie, anu yan dito ka na lang? or may balak ka pang ulitin. Grabe sinusulit lang.” Inaasar na naman ako ni Ailee. Lumingon ako sa paligid namin wala na nga yung ibang mga tao, halos nakalabas na silang lahat. “Sorry, tara na.” Mahinang sabi ko at nauna na akong nag lakad palabas. “Pau, saglit lang.” Sinundan din ako nung dalawa, nahawakan ako ni Nico sa braso. “May problema ka ba Pau? Kanina ka pa kasi tahimik.” Pagtatanong nya sakin. Hindi ko naman kasi pwedeng sabihin sakanila dahil hindi pa ako handa. “Okay lang ako. Sumama lang yung pakiramdam ko ngayon. Pwede bang magpahatid sayo?” Gusto ko na din talaga umuwi. Para maharap ko na yung kanina ko pang iniisip. “Sige, okay lang. Ihahatid ka na lang muna namin bago ko ihahatid si Ailee, gusto mo bang bumili muna ng gamot?” Sabi samin ni Nico. Gusto ko nalang talagang umuwi. “Okay lang ako, pahatid na lang. Salamat.”  Lumapit sakin si Ailee at inalalayan ako. “Pau, kaibigan mo ako. Basta pag may problema alam mo na kung kanino ka lalapit.” Ayan si Ailee nangungulit na naman. Nasa may parking lot na kami. Pinag buksan ako ni Nico ng pintuan, sa may passenger seat ako. Napangiti ako ng mapait buti pa sya gusto nya ako sa passenger seat samantalang ang sarili kong Kuya hindi ako pinapaupo dito pag kasama si Samantha. At pagkatapos kong makapasok si Ailee naman ang pinag buksan nya. Medyo hindi naman matagal ang byahe namin kasi malapit lang naman diba ang village namin sa Mall, tahimik lang kami buong byahe. Siguro napagod na din yung dalawa. Magpaka hyper ba naman. “May hinihintay ka bang text or tawag?” Nagulat ako nung nag salita si Nico. Hindi kasi ako mapakali. “Huh? Ahh.” Hindi ko alam. Pero umaasa akong ite-text ako ni Kuya. Pero ni isang text or missed call man lang wala eh. Napatingin ako sa may likod naka tulog na pala si Ailee. Napaka hyper naman kasi nitong babaeng to. “Kanina ka pa kasi tingin ng tingin sa phone mo.” Bakit ba napapansin nya lahat ng ginagawa ko. “Ayan na pala tayo. Paano ba yan thanks sa pag hatid ulit sakin. Ikaw na ang bahala sa bff ko. Tulog mantika pa man din yan.” Nagbiro pa ako para hindi na nya mahalata na kinakabahan ako. Bumaba na ako ng sasakyan nya at pumasok sa loob ng gate namin. Nakita ko si Mang Ronald sa may garahe. Sya yung driver namin, siguro kakabalik nya lang galing bakasyon. “Ma’am ginagabi po kayo. Dapat tinawagan nyo ako para nasundo ko kayo.” Ani Mang Ronald “Okay lang po yun. Hinatid naman po ako dito nina Ailee. Nakita nyo po ba  si Kuya?” Tanong ko kay Mang Ronald “Si sir? Oo kanina ka pa hinhintay ng Kuya mo, mukang good mood naman sya, wag ka mag alala hindi ka nun papagalitan kung bakit ka ginabi. Pumasok ka na sa loob.” sabi naman ni Mang Ronald. Medyo naka hinga ako dun sa sinabi nyang good mood daw si kuya. Buti naman. “Sige po. Thank you.” Pagkasabi ko non ay nag madali naman akong pumasok sa bahay. Nag daretso agad ako sa taas, sa kwarto ko para maka pag half bath muna para fresh na ko and ang aking mind pag nag usap kami ni Kuya. Mabilis lang naman ako. Mga 15mins lang natapos na ako. Nag bihis na din ako. Lumabas na ako sa kwarto ko at pumunta ako sa kwarto ni Kuya, naka tatlong katok na ako hindi pa din binubuksan. Kaya naman ako na lang ang nag bukas ng pinto. Hindi naman pala naka lock. “Kuya?” Tawag ko. Pero walang sumasagot. Baka nasa baba pa yun kaya naman nag madali akong bumaba. Pagkababa ko, sa kusina ako unang nagpunta pero wala. Kaya naman nagtimpla muna ako ng paborito kong cold choco.  “Kuya?” Tawag ko ulit. Kasi narinig kong may nag salita. Baka nasa may sala. Nanunuod na naman siguro ng movies yun mag isa dun. Kaya naman dinala ko na lang yung iniinom ko. Muntik ko na maibagsak yung basong hawak ko sa nakita ko. Parang gusto kong bumalik na lang sa kwarto ko. Pero huli na ang lahat tinawag ako ni Kuya. Ito ba yung good mood na sinasabi ni mang Ronald? Huh? Good mood sya kasi may kasama syang babae? “Karissa Pauline kanina pa kita hinihintay.” Sabi ni Kuya. Hindi ako makatingin sakanila. Oo sakanila. May kasama sya. Alam nyo ba yung pwesto nila kanina nung nakita ko sila. Si Kuya naka akbay kay Samantha. Si Samantha ang kasama ni Kuya sa sala. At itong si Samantha naka sandal pa sa may dibdib ng kapatid ko, habang nanunuod sila ng movies. Nanginginig yung buong katawan ko sa galit. Ang tanga lang talaga ni Kuya. Niloloko lang sya ng babaeng yan. At ang mas ikinagagalit ko na may nangyari na nga samin sya pa din ang kasama nya. Tumayo si Kuya at nilapitan ako. Narinig kong tinawag pa sya ni Samantha.. “Hon” Malanding sabi ni Samantha. Ang sarap nyang balatan ng buhay. “Kakausapin ko lang ang kapatid ko hon” Ako ang kinikilabutan sakanilang dalawa.  “Karissa Pauline, totoo bang nakita mo kagabi si Samantha sa mall?” Pagtatanong ni Kuya, bakit parang kasalan ko? “Oo, nakita ko pa nga sila na dapat mag me-meet sila ni Nico.” Nag smirk ako kay Samantha. Sa wakas masasabi ko na kay Kuya ang ginagawa sakanya ng babaeng yan pero agad namang lumapit si Samantha kay Kuya at kumapit sa braso na parang tuko “Hon. Okay lang talaga, wag mo nang komprontahin yung kapatid mo.” Nagulat ako sa sinabi ni Samantha. Ano na naman bang palabas to. “Okay lang hon, kahit kapatid ko sya, hindi ko papalampasin yung ginawa nya.” Hindi ko maintindihan ang pinag uusapan nila. Parang may mali. "Ano bang meron?” Naiinis kong tanong sakanilang dalawa, ako yung nagmumukang walang alam dito e. “At ikaw na babae ka, diba naki pag break ka na sa Kuya ko? Ano pang ginagawa mo dito sa bahay namin?” Masungit na tanong ko kay Samantha “Wag kang bastos, girlfriend ko pa din sya.” Sabi naman ng kapatid ko, nagpapatawa ba sila. “Girlfriend? Nakipag break na nga yan sayo diba? Tapos Kuya alam mo bang niloloko ka lang nyan? Alam mo bang-” Hindi ko na naituloy yung sasabihin ko kasi umiyak bigla si Samantha. Ano bang nangyayari sa babaeng to? “Karissa Pauline! Kahit kapatid kita, hindi ko naman hahayaang saktan mo ang girlfriend ko. Kagabi nakita mo pala sya ni hindi mo man lang sinabi sakin. Tapos malalaman ko pang tuwang tuwa ka pa daw na nakipag break sya sakin at sinampal mo daw sya nung mag so-sorry daw sya.” Dun ako biglang nanghina. So ako pa pala ang may kasalan dito. Napaka galing talaga gumawa ng kwento nitong babaeng to. Nagawa nyang pagbalibaligtarin ang kwento. Pero hindi ako papatalo. “Pero kuya, pakinggan mo muna ako. Kaya ko lang naman sya nasampal kasi-” Naputol na naman ang sasabihin ko. “So, totoo ngang sinampal mo nga sya. Bakit ganyan ka? Alam kong ayaw mo sakanya pero hindi naman kailangan dumating sa point na sasaktan mo na sya.” Ano? Talo na naman ako dito, ni hindi na nga pinakinggan ang paliwanag ko. Mali naman ang kwento ni Samantha. Napasulyap ako kay Samantha at nakangiting tagumpay sya sakin. Naiinis na talaga ako. “WHAT THE FCK!” sigaw ni Samantha. Paano binuhos ko lang naman sakanya yung dala dala kong cold choco. Tutal ako naman ang laging masama sa mata ni Kuya bakit hindi ko pa sulitin. Kailan ba sya magigising at titigil sa pag papakatanga kay Samantha. “KARISSA PAULINE!” Galit na sigaw ng kapatid ko.  “What?” Pa inosenteng tanong ko. “Mag sorry ka sakanya.” Asa naman tama lang sakanya yan. “Bakit? Hindi ko naman sinasadya. Nadulas yung baso papunta sa katawan nya.” Nakakatawa ang itsura nya. Basang basa yung shirt nyang white. Ayaw nya nun. May design na. “Sumosobra ka na talaga!” Ay wow. Ako talaga ang kontrabida sa love story nila.  “Ako pa ngayon? Bakit hindi mo kaya tanungin yang magaling mong girlfriend kung ano talaga ang nangyari. Hindi mo alam na kaya sya nakipag break sayo kasi ang plano nya babalikan nya ang ex nya kasi mas mahal nya yun kesa sayo. Kaya kung ako sayo Kuya itigil mo na ang pagpapakatanga mo sa walang kwentang sinungaling na babaeng yan.” Sa sobrang inis ko kung ano ano na ang nasabi ko. Bakit totoo naman. Nagulat ako ng muntik na akong masampal ni Kuya. Pero mabilis nya din napigilan na dumapo ang palad nya sa muka ko. Pero muntik na talaga yun. Hindi ko na napigilan ang mga kanina ko pang pinipigilan na luha. Nag uunahan na silang lumabas. “DAMN IT!  Pau sandali lang.” Hindi ko na pinansin si Kuya, kahit sya siguro nagulat sa gagawin nya sanang pag sampal sakin kaya napamura na lang sya. Agad akong tumakbo sa kwarto ko at nag lock. Iyak ako nang iyak. Ako na naman ang mali. Si Samantha na naman ang tama, sya lang ang magaling sa mata ni Kuya. Sana andito man lang ngayon sina Nanay at Tatay para kahit papaano may kakampi ako pero ano pang aasahan ko sa mga magulang ko nakuha din naman nila akong ipagpalit sa mga pasyente nila. Lagi na lang ako walang kakampi, ako ang laging masama para sakanya. Naiinis na talaga ako dahil sa kakaiyak ko parang nanghihina na ako. Sobrang sama na din ng pakiramdam ko. At antok na antok na din ako pero bago pa man ako tuluyang maka tulog may narinig akong nag salita “Pau, I'm sorry kanina. I love you” Si Kuya, napangiti ako ng mapait, hanggang sa pagtulog ikaw pa din ang naiisip ko, kahit gaano ako nasasaktan sa mga ginagawa mo sakin bakit ganun at the end of the day ikaw pa din. Kahit alam kong hallucinations ko lang yung narinig ko, parang gumaan ang pakiramdam ko. …………………………… Nagising ako sa tunog ng alarm ko. Pero masakit ang ulo ko pati na ang mata ko. Namamaga siguro to. Kayo ba naman umiyak hanggang sa maka tulog. Hindi ko feel pumasok ngayon kasi masama talaga pakiramdam ko. May napansin akong note sa may side table ko. “Pau, tsaka na tayo mag usap pag parehong malamig na ang ulo natin, for now sa dorm muna ako mag stay, si mang Ronald na ang bahala mag hatid sayo and andyan na naman sina manang Felly. Sa makalawa pa daw uuwi sina Nanay..---Kris” Parang lalo akong nanghina sa nabasa ko. So parang sa ginagawa ni Kuya ako talaga ang may kasalanan. Bakit ba ni minsan hindi nya ako pinaniwalaan. Laging si Samantha, binubulag sya ng pag mamahal nya dun sa babaeng yun. Baka mag absent na lang ulit ako, ayaw ko naman pumasok na ganito ang itsura for sure kukulitin lang ulit ako ni Ailee. Tiningnan ko yung phone ko at napangiti ng mapait, wala man lang text. Ganto na nga yata ako. Laging umaasa. Hindi pa rin ako bumabangon sa pag kakahiga ko. Masama talaga pakiramdam ko siguro nakaka dagdag stress yung mga nangyayari sakin. Bigla biglang sumakit yung dibdib ko at hindi ako makahinga ng ayos ngayon. Hindi ko na talaga kinaya at bumagsak na ang lampshade ko sa may side table kasi inaabot ko ung gamot ko na nasa drawer. “Jusko! Karissa.” Narinig ko si manang Felly na pumasok sa kwarto ko. “ma-nang pa-pakuha...gamot” Halos hindi na ako makapag salita ng ayos dahil hindi ako makahinga. Namimilipit na ako sa sakit. Agad agad naman kinuha ni manang Felly yung gamot ko. At agad na pinainom sakin. Kaya laging may  naka ready na gamot at tubig sa may side table ko kasi lagi akong nag kakaganto dati, ewan ko ba . Pinahiga na lang ako ni manang Felly, pero medyo masakit pa din ang dibdib ko. Pero nagiging stable na naman ang paghinga ko. “Nakung bata ka. Ano bang nangyayari sayo?” May pag-aalala sa tinig ni manang Felly, sya yung isa sa mga nag alaga samin ni Kuya kris nung mga bata pa kami. “Manang na stress lang po ako. Okay na po ako. Wag na kayo mag alala.” Ngumiti ako sakanya at natulog na ulit. Ang sakit kasi ng ulo ko, ang sama ng pakiramdam ko. Lahat na yata masakit sakin. Pati puso ko. …………………………….. “Dalahin na kaya natin sa Hospital, napaka taas na ng lagnat nitong batang to.” Naramdaman kong may basang bimpo sa may ulo ko. At narinig ko ding nag sasalita si manang Felly. “Hintayin na natin ang Nanay at Tatay nya. Malapit na daw sila.”  Ani Mang Ronald naman. Napadilat ako nung narinig ko yung sinabi ni mang Ronald. “Wag na po kayong mag alala sakin. Andito na po ba sina Nanay?” Mas gusto kong makasama ang mga magulang ko ngayon.  “Malapit na sila anak, kanina kasi nung sumakit ang dibdib mo, tinawagan ko na ang Nanay mo sabi nila uuwi din sila agad. Nasa Cebu lang naman daw sila kaya mabilis lang padating na yun. May masakit pa ba sayo?” Nag aalalang tanong ni manang Felly. “Okay na po ako. Magaling na ako wag na kayo mag alala” Ayoko kasi may nag aalala sakin. Natural lang sakin to. Pag stress. “manang, tinawagan nyo po ba si kuya?” Dagdag na tanong ko pa. Lumabas na din si mang Ronald at hihintayin nya na lang daw dumating sina nanay sa baba. “Oo nga, nakalimutan kong tawagan, sandali nga. Nasaan ba ang batang yun.” Sabi ni manang “Manang wag na po. Wag nyo na sabihin kay kuya. Please po” Ayaw ko na malaman nya pa. Mag aalala pa yun. “Oh sige, bababa muna ako tawagan mo lang ako sa kusina, ipagluluto muna kita ng soup kanina ka pang umaga hindi kumakain.” May phone kasi dito sa kwarto na naka connect din sa kusina. “Bakit po anong oras na po ba?” Matagal na ba akong tulog. “7pm na, kanina ka pa kasi tulog, oh sya magluluto muna ako.” Sabi ni manang. Ang tagal ko na palang natutulog. Paglabas naman ni manang ipipikit ko na sana ang mata ko.. “Princess.” Narinig ko na ang paboritong boses ng Tatay ko. “Anak” May pag alala sa boses ni Nanay. Napadilat ako. Natutuwa akong kasama ko sila ngayon. Nawala ang sakit na nararamdaman ko. “Nanay, Tatay..” Naka ngiti kong sabi "Princess, okay ka lang ba? May masakit pa sayo? Nasan ba ang kuya mo? Bakit wala sya dito?” Sunod-sunod na tanong ni Tatay habang si Nanay naman ay lumayo dala ang phone nya.  “Nay, kung si kuya yan, please wag nyo na po sabihin mag aalala lang yun please nay” Tumingin sakin si nanay at tumango lang. Alam nya din kasing ayaw ko na may mga taong nag aalala kaya habang kaya ko, hindi ko sinasabi sakanila na nahihirapan din ako. “Dadalahin ka na namin sa hospital” sabi ni tatay “Tay, relax. Okay na ako. Nakita nyo namang stress lang to.” Tatawa tawa kong sabi. Ayoko na naman ma confine pa. “Sabi ko kasi sayo lagi mong iinumin ang gamot mo.” Papagalitan ako ni nanay. “Iniinom ko naman po. Nay, sorry na” Nag lalambing na ako. Biglang nawala lahat ng sakit na nararamdaman ko. Natutuwa ako kasi mas pinili ako nina nanay kesa sa convention nila sa Cebu “Matatanggihan mo pa ba ang princess natin?” Sabi naman ni tatay, na katabi ko na sa bed. “Pag ganyan na ang princess natin Syempre hindi mahal na mahal ko kaya yan.” Sabi ni nanay at tumabi na din samin ni tatay sa queen size bed ko. Niyakap lang nila ako, ang sarap sa pakiramdam sana andito din si kuya. Dati ganto din kami pero iba na ngayon kasi wala si kuya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD