"Pumasok ka na kaya Pau." Napatingin ako sa likod, mas kinabahan kasi ako sa nakita ko. Kung alam lang sana ni Nico kung ano ang nakikita ko baka hindi na rin sya pumasok "Ni-nico.." "Oh? Sige na, ako na ang unang papasok." Pinaalis nya ako sa pintuan at nauna na syang pumasok. Susunod na sana ako sakanya kaso napatigil din sya dahilan para mauntog ako sa likuran nya. Ang tigas ah. "Pau! anak." Si tatay, tumayo sya sa kinauupuan nya at lumapit sakin at bigla nya akong niyakap. Ganun din ang ginawa ni nanay sakin. "Nay, Tay.. I-I'm sorry po." Hindi ko na napigilang hindi maiyak, sila yung nakita ko kanina kaya nagulat ako. Dalawang bed ang nasa loob, yung isa kay Kris and yung isa kay Snow. Actually si Kris tulog na tulog sya siguro napagod or nahilo after ba naman ng blood transfusion

