KRIS P.O.V Sobra sobrang kaba ang naramdaman ko ng makita ko si Pau, parang walang nagbago sakanya. Ngayon kinakabahan na naman akong makita ang anak kong si Snow, sana maging okay na sya. Kanina pa ako kinuhanan ng blood test. Dengue, alam kong mahirap magkaroon ng ganung sakit. Nag lalakad ako ngayon kung saan nandoon na ang anak ko. Pag pasok ko ng kwarto. No it's not a private room. Nasa ICU pala kami. Nanlaki ang mata ko ng tumigil kami sa isang kama, it's a baby boy. And I know sya na nga si KrisPaul Anthony Jameslee my son. Nanghihinang lumapit ako sakanya. Hindi ko napigilan na wag umiyak, tumulo ang luha ko. Sa unang pagkakataon makikita ko ang anak ko at sa gantong sitwasyon pa. halata sakanya ang panghihina. "Doc, gawin nyo lahat ng makakaya nyo para sa anak ko. Kung kinakai

