“Pau. Ako ang blood donor.” Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Alam na alam ko kung kaninong boses yun kahit hindi ako lumingon sa likod ko. Nanlamig ang buong katawan ko nung narinig ko yung nagsalita. “Mr. Fuentes halika na ho, para masimulan na natin ang pag transfer ng dugo.” Napatingin ako dun sa doctor na nag salita. At tumingi ako kayna Ailee, wala na si Nico, baka sinamahan na si Snow sa loob. “Don’t worry Pau, na ready na namin lahat, na pa check na din namin si Kris and positive. Sya lang ang right person para mas mapadali ang pag transfer ng dugo kay Snow.” Tiningnan ko kasi sila ng masama. Hindi naman ako nagagalit kung si Kris ang donor, hindi ito ang time para sa pride ko at sa nakaraan. Ang inaalala ko ang kalagayan ng anak ko. Kaya kong kalimutan ang lahat para kay Snow.

