Inabot na ako ng umaga dito sa sala pero walang Kris na dumating. Dati naman kami ni snow ang priority nya, kahit na gaano kagulo sa office nya mas pinipili nya kami pero ano to ngayon? Bakit hindi man lang nya nagawang umuwi ngayon? Umakyat muna ako sa room ni snow, baka gising na din naman sya. Naka salubong ko si Raine, kakagising nya lang at dala dala nya na nga si snow “Karissa, ang aga mo naman yatang bumaba dyan.. or hindi ka sa kwarto nyo natulog?” nangunot na tanong ni Raine. Iniabot nya naman sakin si snow, baka gutom na to. “May emergency lang talaga siguro sa office nya kaya hindi sya naka uwi.” Sabi ko na lang at nag lakad na ako pa puntang kusina, gagawa ko muna ng breakfast ang aking anak. “Nasa office lang sya magdamag, ayy nako what a lame excuse. Baka mamaya nyan may

