Sumasakit pa din ang ulo ko, kaya hindi ko pa maidilat ang mga mata ko. Pero naririnig ko ang boses ng mga taong nasa paligid ko. “Babalik na lang po ako tita” Alam kong si Ailee yung nagsalita. “Sige Ailee, salamat ulit.” si nanay naman yun. Maya maya pa ay tahimik na naman ang paligid, kaya unti-unti akong nagmulat ng mata. Nandito pala si tatay na kaharap pa si Nico. “Masyado pang bata si Pau, pinagkatiwalaan ka namin Nico.” Narinig kong sabi ni tatay kay Nico. Ano ba ang nangyayari? Bakit pinapagalitan nila si Nico? “Nico, itinuring ka naming parang anak na din. Ikaw din naman ang gusto namin para sa anak namin, pero hindi ko akalain na ganito ang mangyayari.” si nanay naman. “Tito, tita, sana ako na nga lang po eh, kung pwede lang sana ako na lang pero hindi naman po ako.” Si Ni

