PAU P.O.V Medyo napapadalas na talaga ang pagkahilo ko. Ewan ko ba. Okay naman ang heart beat ko, normal pa naman ako diba? hindi pa naman ako mamatay siguro. Ayan katulad ngayon, instead na nasa treatment room ako ngayon para sa mga patient ko heto ako nasa may CR kasi kanina pa ako nasusuka tapos wala namang lumalabas. "Karissa okay ka lang ba talaga?" Kasama ko kasi si Jes, hinahagod nya yung likod ko dahil halata namang nahihirapan ako sa pagsuka ng wala. "Hindi ko na talaga maintindihan yung katawan ko ngayon eh." sabi ko na lang. Madami kasing patient si Ailee kaya si Jes ang sumama sakin. "Kumain ka ba ng breakfast? Or baka nama puyat ka kakagawa sa documentation?" sabi nya pa. Bigla namang pumasok si Jean at laking gulat ko sa mga sinabi nya. "Baka naman buntis ka Karissa.

