Satan's POV: "Cypher, abot mo nga 'yong data sheet nito." Nandito kami ngayon sa infirmary kung saan ginagamot ang mga participants. Kaya namin sila pinapatulog nang sa gano'n ay magawa namin silang gamutin. Iyon ang purpose at kung para saan ang itim na usok at puting liwanag. Tumatagal din ang paggagamot sa kanila kaya humahaba at tumatagal ang games. Hindi lamang nila ito pansin dahil wala silang malay sa tuwing gagamutin sila at ilalabas ng games. "Ito oh, malala ba ang natamo niya?" Tanong ni Cypher. Binasa ko naman ang data ng participant na ito. Imaculate Mary Dizon, parang pamilyar ang apelyido niya. Parang narinig ko na ito dati kung saan. "Kilala mo ba ang isang 'to, Lucifer? Parang naikwento mo na ito sa akin dati." Asar ko kay Cypher, si Lucifer, at sinundot-sundot an

