Imaculate's POV: "Oh my gosh!" Bigla akong nagising dahil sa malakas na sigaw ni Megan. Halos mapatalon pa ako sa gulat dahil sa kaniya. "Aa naman, huwag kang maingay. Ang sarap pa ng tulog ko, mamaya niyo na ako gisingin. Gusto ko pang magpahinga nang matagal." Mahinang sabi ko at inayos ang aking higa. Parang ang tigas ng hinihigaan kong kama. Nagulat din ako ng may umungol sa aking ilalim at may kamay na nakapulupot sa bewang ko. May kung ano ring bumubukol sa puson ko, parang matigas 'yon at pahaba. Ano bang klase ng kama ang hinihigaan ko? Bakit ganito ang itsura? Nadeformed kaya ang foam niya? Nagmulat na ako ng mata at nanlaki ang mga mata ko sa aking nakita. Nasa ibabaw ako ni Slick na natutulog at nakayakap pa siya sa akin. Kitang-kita ko ang kaniyang napakagwapong mukha

