Imaculate's POV: "Ate Imaculate, wake up na kakain na tayo." Yugyog sa akin ng kung sino. Iminulat ko ang mga mata kong nag-aadjust pa sa liwanag, si Roy lang pala, akala ko ay si Slick. Teka, siya agad ang hanap ko? Gabe namang puso ito. "Sige, sinong nagluto?" Tanong ko. "Si Kuya Xavier, ate. Let's go na I'm so hungry na." Sabi ni Roy. Napangiti naman ako ng malapad dahil siya ang laging gumigising sa akin. Ramdam kong ako ang paborito niya sa aming lahat. Kapag nalaman ito ng mga kagrupo namin ay tiyak magtatampo sila. Hinila na ako ni Roy kaya wala akong nagawa kung hindi ang tumayo. Hindi na ako nakapag sipilyo dahil kay Roy. Lumabas na kami ng kwarto at naglakad sa hallway ng barko. Inilibot ko ang aking tingin sa paligid, ang ganda talaga rito. Feeling mayaman na ako.

