Imaculate's POV: "Ate Imaculate, gising. Gumising ka na." Naramdaman ko namang may yumuyugyog sa akin. Niyugyog pala ako ni Roy kaya nagising ang diwa ko. Ang sarap pa ng tulog ko eh. Parang gusto ko pang makatabi ng mas matagal ang kama. "Hmm, bakit? Five minutes pa, bilis na." Sabi ko at nagmulat ng isang mata. "Ate naman, wake up na. Kanina ka pa r'yan tulog kaya." Sabi ni Roy kaya iminulat ko na ang aking dalawang mata. Unti-unti pang nag-aadjust ang aking paningin sa liwanag. Bumungad sa akin ang napakagandang kalangitan. Kulay sky blue ito at napakaganda. Ang sarap pagmasdan ng kalangitan. Parang payapa pero may panganib na ikinukubli. "Anong bakit ka r'yan, gumising ka na. Tingnan mo kung nasaan tayo. Baka lumubog na ang barko tulog ka pa rin." Sabi ni Slick kaya umupo ako

