Imaculate's POV: "Slick, sa likod niyo lang ako. Papasukin ko ang isip ng mga hayop na 'yan." Bulong ko kay Slick kaya tinanguan niya ako. "Mag-iingat ka, mamahalin pa kita." Banat ni Slick at kinindatan ako. Kinilig naman ako, mamamatay na haharot pa! Argh, may iba nga iyang gusto, Imaculate. Tigil na sa pagpapantasya at magfocus ka. "Tse, maharot! Naku, tigilan mo ko." Sigaw ko sa kaniya at umatras. Nagsimula na akong magconcentrate at pasukin ang isip nung babaeng may piercing. Tingnan natin kung hanggang saan ang yabang niya. Tapos ako pa pala ang walang magagawa sa huli. Mabilis kong napasok ang utak nung babae, nakikita ko na ang mga alaala niya. Napangisi naman ako, ayos. "Nakapasok ka man sa isip ko, hindi mo ako mapapatay gamit ang mga ilusyon mo, babae. 'Di hamak nam

