Xavier's POV: "Grabe ka Imaculate, ang bigat mo." Reklamo ko. Buhat-buhat ko si Imaculate ngayon na wala pa ring malay. Nasaksak siya sa tyan, mabuti na lang at ako ang nakakita sa kaniya. Syempre tutulungan ko siya, nagkateam kami. Saka hindi ko rin masisikmurang makakita ng babaeng nahihirapan. Naglakad-lakad pa ako hanggang sa may makita akong kweba. Pumasok ako sa loob at inihiga si Imaculate sa sahig. Nanakit pa ang likod ko dahil ang bigat niya. Walanjo, ang payat niya pa sa lagay na iyan. Itinapat ko ang aking mga kamay sa sugat niya. Ramdam ko ang malamig na sensasyong dumadaloy sa kamay ko papunta kay Imaculate. Healing ang nakuha kong ability. Muntik na akong ma-out of balance dahil sa panghihina. Halos kalahati ng lakas ko ay naibigay ko na kay Imaculate. Pero ayos la

