Imaculate's POV: "Pahinga muna tayo. I'm very tired." Reklamo ni Taliya. Tumigil muna kami sandali para magpahinga. Umupo naman ako sa ilalim ng isang puno, paakyat kami ngayon sa Mt. Delta. Mahaba-haba pa ang lalakbayin namin. Nang magkita-kita kami kagabi, nag-announce ulit si Leviathan. Nakakainit ng ulo tuwing magsasalita ang mga iyon. Puro hindi magagandang balita. Wala namang maidudulot na maganda, lalo pang nagpapabigat ng sitwasyon. Sinabi niya na kailangan naming marating ang tuktok ng Mt. Delta. Sa paglalakbay raw namin makakasalubong namin ang aming mga kasamahan. Kailangan din namin magmadali dahil maraming masasamang loob at ibang participants ang nandito. Kinakabahan din ako para sa kanila, baka mamaya ay mapaano sila. "Do you have a plan, guys?" Tanong sa amin ni Ta

