Imaculate's POV: Tahimik kaming kumakain ni Slick dito sa hapag kainan. Pareho kaming nakikiramdam sa mag-asawa, baka mamaya may hidden agenda na pala sila sa amin. Napag isip-isip kong don't judge the book by its cover. Huwag magpapadala sa panlabas na itsura. Mamaya ay mga halimaw pala sila na kumakain ng tao. Pero kahit gano'n, huwag agad manghuhusga. Masakit kaya iyon. "Magpakabusog kayo ha, 'yan ang paborito kong luto ng asawa ko." Sabi ni Mang Elmer. Kumakain kami ng ginisang repolyo na may corned beef. Masarap siya at malasa, nilagyan namin ni Slick ng kalamansi dahil baka mamaya ay tao na naman ang kinakain namin. Safe naman ito, totoong corned beef nga at repolyo. Pagkatapos namin kumain sa hapag ay nagprisinta akong maghugas. Pumayag naman sila, sinama ko na si Slick para

