''Johnny, wake up na inumin mo na muna itong gamot" Pagising niya sa nobyo at pagkuwa'y muli niyang sinalat ang noo nito. Maya maya pa ay bigla ng nagmulat ang mga mata nito at muli siyang hinila at niyakap. ''Brie, can you stay with me here tonight?" Pakiusap ng binata. ''Ahm, sige pero uuwi muna ako saglit mayroon lang akong kukunin sa bahay." Paliwanag niya kay Johnny. ''Pe-pero gabi na Brie." Nakakunot nitong sagot sa kanya at pagkuwa'y umayos ng upo at isinandal ang ulo sa headboard ng kama. "Mayroon kasi akong kailangan ayusin. Nakakainis kasi si Mr.cheng kung kailan natapos ko na. Saka naman pinaiba ang designs ng lobby at hallway ng building" Nakasimangot niyang paliwanag kay Johnny. "Ganoon ba, sige kung uuwi ka huwag ka na bumalik gab

