"Brielle! Brielle!" Tawag ni Treena na ka opisina niya. "Huy Bakla, Grabe hindi mo naman sinabi na napakagwapo pala sa personal ng asawa mo" Bungad muli nito sa kanya. Kaya naman bigla ay napataas ang kilay niya sa narinig. "asawa" Bulong ng kanyang isip. Walang ano -ano'y biglang tumayo si Brielle sa swivel chair at pagkuwa'y dali-dali niyang tinungo ang kinaroroonan ng lalaking tinutukoy ni Treena. Hindi na nakahuma pa si Brielle ng makita ang imahe ni Nathan na noo'y naghihintay sa kanya habang kausap ang bossing nila na si Mr.Tan. Agad siyang nanlumo ng si Nathan pala ang tinutukoy ni Treena na naghihintay sa kanya. Inaasahan niya parin kasi niya ang muling pagbabalik ni Johnny. tatlong buwan na kasi ang nakakalipas simula ng huli silang ma

