Ilang linggo na ang nakakalipas simula ng magpangap muli si Brielle bilang kasintahan muli ni Nathan. Ngunit batid niya sa isip at puso niya ay malaking pagkakasala na ang kanyang nagawa para sa nobyo niyang si Johnny. Litong-lito man ang kanyang isipan ng sandaling iyon, ay nagawa parin niyang isaayos ang kanyang sarili para sa bagong pagsubok na muli niyang haharapin. Nalaman kasi ng mga magulang ni Nathan ang kanilang pagpapangap na dalawa ng binata dati bilang magasawa. Kaya naman, ilang beses siyang sinubukang kausapin ng Mommy ni Nathan ukol sa panibagong anunsiyong ipinabatid ni Nathan ng kaarawan nito. Naiinis man si Brielle ay katulad dati ay wala nanaman siyang nagawa upang baguhin ang desisyon ng binata. Nasa ganoon siyang pagiisip ng biglang puma

