"Pare, kamusta ang operation mo? Mukha atang natagalan ka sa loob nagkaroon ba ng complications ang pasyente?" Nakangiting bungad ni Lance kay Johnny. "Medyo nasa critical ang lagay niya kanina. But thanks god naging successful ang operation ko" Aniya niya sa kabigan. Pagod man at puyat ng mga oras na iyon si Johnny ay pinilit parin niyang puntahan ang private room na kinaroroonan ni Brielle. Ngunit ng makapasok na siya sa loob ay tumambad sa kanya ang bakanteng silid at ni gamit ng nobya ay hindi na niya naaninag pa. Kaya naman agad niyang hinanap ang telepono upang tawagan si Brielle. Ngunit nakailang miscalls at text siya ay hindi parin nito sinasagot ang tawag niya. "Pick up the Goddamn phone, please!" Naiinis na bulong niya sa sarili.

