“You can bring my sister back with you, baka magka-problema lang kay Ares. We all know what their connection is,” diretsong sabi ni Jebediah nang maiwan silang dalawa ng Punong Oraculo sa silid-aklatan ng mansyon. Sa totoo niyan ay inaasahan na niya ang tawag mula sa Punong Oraculo upang pabalikin si Ceres sa Templo, ngunit ang hindi niya inakala ay ang pagpunta niya mismo sa Thea Artem, kasama pa ang mga tagapagmana ng trono. “Maaaring sumama sa amin ang iyong Punong-Mandirigma, Alpha, kung iyong mamarapatin. Ngunit nakarating din sa amin ang kalagayan ng iyong Luna, tila kakailanganin mo ang tulong ni Ares para rito,” kapansin-pansin ang pagyukom ng mga kamao ng pinuno at ang panlalamig na rin ng tingin nito. “Ang kapatid ko ang pinag-uusapan rito. Sa lahat ng

