‘Luna. Luna wake up.’ It's here. It's here again. "Gray? Where are you? Gray?" ‘Luna, you shouldn't be here.’ "Huh? Anong ibig mong sabihin? Here?" ‘Open your eyes.’ Unti-unti kong binuksan ang mga mata ko, inaasahan ang liwanag na sisilaw sa'kin ngunit walang sinag ng araw ang tumama sa mga mata ko. Kadiliman. Tanging kadiliman lamang ang bumabalot sa lugar kung nasa'n man ako. Nasa'n ako? Sinubukan kong igalaw ang ulo ko upang tingnan ang buong silid ngunit sa pagkakataong ginalaw ko ito ay agad akong napasigaw sa sakit na bumalot sa'kin. I moved my hands and it was met by a dusty, cold, hard floor. Sinubukan kong gamitin ang mga braso ko upang bumangon ngunit patuloy lang akong pinigilan ng matinding sakit sa

