Chapter 18

2019 Words
LETO KATHERINE Litochoro, Greece “IT ALL STARTED here,” senyas ni Maia sa buong templo pati sa tanawin sa labas ng bintana na nasa likod niya, “in Mount Olympus.”             Mount Olympus?!             Awtomatiko akong napatayo at nanlalaki ang mga matang tumitig sa kanya. “Pardon?” tanong ko. Baka nagkamali lang ako ng rinig, baka nabulol lang siya or baka biglang iba lang yung nabanggit niya.             “Mt. Olympus, particularly near the small town of Litochoro, here in Greece,” oh my God!             “Greece?!” halos pagsigaw ko. Oh s**t.             “Greece,” tango niya.             Napasinghap na lamang ako at nanghihinang umupo muli. Grabe pa'no ko napadpad dito? Paano? Kailan? Bakit? Greece? Greece talaga? Eh halos sa kabilang parte na 'to ng mundo mula Pilipinas ha? s**t s**t s**t! Pumayag talaga si DJ? Hala! Bakit siya pang iniisip ko, si Ate, si Mama't Papa! Alam ba nila?             “Sorry kung hindi ko agad nasabi sa'yo Leto, pero pangako may dahilan 'to at malalaman mo 'yon ngayon.”             Diretso akong tumingin sa kanya bago tumango. “No, sorry. Pwede mo nang ipagpatuloy, talagang nagulat lang ako.”             Bahagya siyang ngumiti, “as I was saying, it all started here in Greece. Alam mo naman ang Greek Mythology right?” tumango ako. “Good, mas mapapadali 'to. So you already have an idea about the gods and goddesses – or the deities, we prefer to call them. The god of Truth and Prophecy, Theos Apollon, o Apollo kung tawagin ng karamihan ay sinabing nakagawa ng isang malaking kasalanan sa batas ng Olympus. Umibig siya sa isang mortal, isang napakalaking kasalanan na kahit anong parusa ay hindi magagawang mapantayan ito.             “And so Theos Zefs, or Zeus, the King of the gods, seek the help of the Oracles – who are said to be Apollo's main followers, dahil nga siya ang diyos ng mga propesiya. Because they favor the god, nag-isip sila ng isang parusang hindi gaanong makakaapekto sa diyos ngunit magagawang pahirapan pa rin siya. They turned him into a werewolf. God Apollo, the first ever shifter to ever grace this world.”             Hindi ko napigilan ang pagnganga ko, “so you're saying... totoo din yung gods and goddesses?”             Maia shrugged, “iyon ang pinaniniwalaan namin, parang kayong mga Kristiyano, naniniwala kayong may nag-iisa kayong Diyos. Kahit nabasa niyo lang ito sa Bibliya at hindi niyo naman nakita o wala man kayo sa mga pangyayaring iyon, iyon na ang kinalakihan niyo kaya naman ito na ang pinaniniwalaan niyo simula pa lang at nirerespeto namin iyon. Ilan nga sa'min ay naniniwala na rin sa relihiyon niyo. Parang gano'n din kami, kahit walang patunay ay kinalakihan na namin kaya ito na ang pinaniwalaan namin.”             “Ahhh...” sabi ko sabay tango.             “Now, about the Thea Artem, our goddess Artemis. Dahil nga siya ang kakambal ni Apollo, sinabi niyang siya na ang magsasagawa ng ritwal. We believe that she is the creator of the Werewolf race because she turned and made the very first one. For the other part of the story, you should listen carefully Leto.” Bigla akong napa-ayos ng upo at diretsong tumingin sa kanya.             “Dahil alam ni Artemis ang dahilan ng parusa ni Apollo at naniniwala siyang hindi ito makatarungan, gumawa siya ng paraan upang hindi maudlot ang pagmamahalan ng kapatid at ng mortal. Apollo was worried that the mortal would be scared of him the moment he tells her about the 'werewolf situation.' Artemis found out about this, so she made this bond between her brother's soul and the mortal's. Soulmates or mates in short, are made.”             “How romantic,” buntong-hininga ko pa, ano kayang feeling na may soulmate? Ang galing naman nun, hindi na sila kailangan pang mangamba dahil sigurado namang meron nang nakatadhana sa kanila. “Pero pa'no kung hindi naman nila gusto yung mate nila? Wala silang choice?” I’m being pessimistic I know, but that should be considered too right?             “In the old times, wala silang choice pero as time goes by, dahil nga nagkaroon na ng sariling gobyerno, teritoryo at mga batas ang mga lobo, humingi sila ng tulong sa aming mga Oraculo—“             “Saglit... tama ba ang narinig ko? Ikaw? Oracle ka talaga?” Excited na tanong ko.             “Everyone in here is either an Oracle, a Protegé or an Omega who serves us,” hindi ko napigilang mapangiti at agad na tumango para ipagpatuloy na niya ang pagpapaliwanag. “They asked for the Oracles' help to lessen the effect of the bond between mates. There will still be a bond between them, pero nasa kanila na kung patitibayin pa nila ito. Dahil sa nagawang ito ng mga Oraculo, nagkaroon ng choice ang mga shifters na pumili ng kapareha nila. So now it's either a pre-destined mate or a chosen mate. Karamihan pa rin sa populasyon ng werewolf race ay naniniwala sa pre-destined mating, kaya naman karamihan ay matiyagang naghihintay at naniniwala pa rin sa kaparehang binigay sa kanila ng Mahal na Diyosang Artemis.”             “So you have a mate right?” nakangiti kong tanong.             Pilit siyang ngumiti panalik, “hindi kami maaaring magkaroon ng kapareha Leto, once we surrendered our lives to serve the Thea Artem, we don't need another one to give our lives to.”             “Posible pero bawal?” Nakaramdam ako ng awa para kay Maia at sa kapareha niya. Bakit naman dapat gano'n pa? Parang ang unfair naman. Bahagya siya muling ngumiti at tumango, at saktong bigla may akong narealize. Bakit hindi ko agad naisip 'yun! “So nandito ba 'ko para maging Oracle?”             Agad siyang natawa rito, “no Leto! Bakit mo naman naisip 'yan?”             “Kasi wala naman akong mate, saka dito mo ‘ko dinala kaya akala ko—“             “Sa pagkapanganak pa lang namin ay matutukoy nang nakatadhana kaming maging Oraculo, Leto. Huwag kang mag-alala, kung dapat ka ngang maging isa sa'min ay sana naramdaman ko na iyon. Isa pa, sigurado ka bang walang nakatadhana sa'yo? Simula pa lang ito ng pag-uusap natin, marami ka pang kailangang malaman.”             Anong sinasabi niya? Meron akong mate gano'n ba?             Biglang nanlaki ang mga mata ko, “no way...” bulong ko.             She smiled, “back in 1946, a civil war between mortals started here in Greece, kaya naman kinailangan nila noon na lumipat ng teritoryo. Isang teritoryong magagawang itago ang mga katauhan nila at mayroong masaganang biodiversity na makapagbibigay ng sapat na resources sa pamumuhay nila. The islands of the Philippines were chosen and currently, the two strongest, most successful and biggest Packs are living there, and several sub-Packs as well.”             “Pack?” tanong ko.             “Iyon ang tawag sa grupo ng mga lobo sa iisang teritoryo,” tinanguan ko siya. “Tell me Leto, hindi ba pamilyar sa'yo ang mga katagang 'Thea Artem'?”             Pamilyar? Ngayong nabanggit niya, para ngang pamilyar 'to... Thea Artem, Thea Artem, Thea—             “Wait. That's the name of our...” nanlaki ang mga mata ko, “town,” halos bulong ko na nang mapagtanto ang lahat. Sinasabi ba niyang... sinasabi ba niyang nakatira ako sa teritoryo ng isang Pack? Bigla kong naramdaman ang panginginig ng mga kamay ko, as well as the goosebumps covering my arms and nape. All this time?!             “Gusto mo bang bumalik muna sa kwarto mo? Ipagpatuloy na lang natin 'to bukas?” maingat na tanong ni Maia.             Agad akong umiling, “no. Gusto kong malaman na lahat ngayon please. Sino sa kanila?” nag-aalalang tanong ko. Everyone? Is every freaking person in that town a shifter?             Inabot ni Maia ang kamay ko at ngayo'y mahigpit itong hinahawakan. “I promise that they will never harm you Leto, naiintindihan kong sa ngayon natatakot ka pa pero sana dumating din ang araw na maging komportable ka na sa katotohanang—“             “Just tell me Maia,” I insisted.             “As of recently, 94 percent of the population are shifters while the remaining 6 are—“             “Mortals, and I'm one of them,” tumango siya rito. “At sabi mo sa'kin kahapon hindi ka isa sa kanila? You are not a shifter right?"             “Oracles have werewolf blood but we don't have the ability to shift, just the heightened senses.”             “Pero yung ibang mga tao, alam ba nila na... na teritoryo ng isang pack ang tinitirhan nila?”             Muli siyang tumango, “yes they do. Those pure mortals are either human mates or adopted children.”             Kumunot ang noo ko, “but my parents at yung Ate ko... alam din nila?” Naramdaman ko ang pangingilid ng luha ko, ako lang ba ang hindi nakakaalam?             Humigpit ang hawak niya sa mga kamay ko, “this part will hurt you the most Leto, I'm not the one who should tell you this but I have no choice,” tuluyan nang bumagsak ang mga luhang pilit kong pinipigilan. Naramdaman ko na rin ang paglalim ng hininga ko dahil sa mga hikbing hindi ko na rin magawang pigilan.             Human mates.             Or adopted children.             “You are both,” biglang bulong niya at saglit pa akong nagulat dahil tila sinagot niya ang nasa utak ko. My tears fell freely as I look at her with my eyes wide open.             “I don't believe you,” nanginginig kong sabi.             “I'm sorry,” lalo pang lumakas ang mga hikbi ko.             Ito na ba 'yun? Ito na ba yung isang bagay na paulit-ulit kong pinipilit kay DJ? Ito na ba yung katotohanang sasagot sa lahat ng tanong ko? Bakit ngayong nalaman ko na sa wakas... parang pinagsisisihan ko nang naging curious pa 'ko. Kaya ba iba ang tingin nila sa'kin? Kaya ba parang lagi ko na lang nararamdaman na may tinatago sila sa'kin?             Pati sila Mama? Pati pamilya ko? May kakampi pa ba 'ko? Bakit pakiramdam ko nagmukha akong tanga? Sa buong bayan na 'yon! Ako lang ang walang alam?             Naaawa ako sa sarili ko.             “Please explain,” I said between sobs.             She sighed. “In a Pack, there is always a male leader... we call him the Alpha—“ my grip on her hand tightened causing her to stop.             Please! Please Alpha! Nagmamakaawa po ako... 'Wag niyo pong gawin sa'kin ito!             Parang video na nagplay sa utak ko ang nang-yari dati sa mall. Kung pa'nong nagmakaawa ang matandang lalaki kay DJ at tawagin siya nitong... Alpha.             “DJ. Is he...?”             Napapikit si Maia at unti-unting tumango bago muli tumingin nang diretso sa mga mata ko, “then there is a Beta – the second-in-command,” Cairo. “The Chief Warrior, or the third-in-command,” Ares. “And the two lead Commanders, or the Gammas,” Rael and Tusker. “Your father,” kumunot ang noo ko, pati si Papa? “He was once a Beta, bago ma-ambush ang Pack nila.”             I gasped, "nangyayari iyon?"             “Kung posible sa mga mortal, posible rin sa amin. Meron rin kaming mga rebelde, o Rogues kung tawagin namin. Sila ang mga kriminal na napaalis sa kani-kanilang teritoro. Sa oras na mawalan ng tinuturing na Pamilya ang isang shifter, maaari itong makaapekto mentally at emotionally sa kanya. Naniniwala kaming iyon ang dahilan kaya bumubuo na rin ng sarili nilang grupo ang mga rebelde, at nagkaroon na rin sila ng lakas ng loob para atakihin ang mga Pamilya. Sila ang umatake sa pack noon ng mga magulang mo Leto, kaya siguro napilitan silang tumira sa teritoryo ng mga mortal.”             “And that's also the reason they adopted me right?” pabulong kong tanong.             “They love you Leto, minsan ko na ring nakilala ang mga magulang mo at kahit sa konting oras na iyon ay alam kong mabubuting tao sila. Sigurado akong tinuring at tinuturing ka pa rin nila na para bang tunay nilang anak. Tama naman ako 'di ba?”             I bit my lower lip, trying to stop myself from crying again, “pero bakit 'di man lang nila nasabi sa'kin? At ang hindi ko maintindihan, bakit kayo pa ang unang nakaalam?”             “Do you remember when I told you earlier that you are both?” I looked at her questioningly. “Both an adopted child and a... human mate,” pagpapaliwanag niya. Nanlaki ang mga mata ko, I almost forgot about that.             Yes. Kinalimutan mo talaga ang tungkol do'n Leto?! She's basically telling you that you have a soulmate!             “So totoo talaga yung—“             “May isa pa 'kong 'di nasasabi sa'yo, it's about the female leader of a pack, ang kapareha ng Alpha... can you guess what we call her Leto?”             Luna. For the nth time, nanigas ako sa kinauupuan ko.             “Leto, will you tell me now who your mate is?”             Diretso akong tumingin sa kanya, “it's... it's DJ– Alpha Jebediah,” I breathed out.             “And you are the Luna, Leto.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD