Chapter 19

1489 Words
Narinig ko ang pagbukas ng pinto, agad napatingin doon at naabutan si Maia na naglalakad palapit sa kaharap kong upuan. “Naunahan mo ‘ko,” komento niya, “kanina ka pa ba rito?”             Bahagya akong ngumiti at tumingin sa isang bintana, halos tuluyan nang nakasikat ang araw. Parang kanina lang ay pinapanuod ko itong unti-unting tumataas mula sa bulubundukin. “I found it hard to sleep after... after everything,” sagot ko.             Saglit siyang natahimik at diretsong tumingin sa'kin. “You're not okay Leto, I know that pero hindi mo naman kailangang sarilinin lang 'yan,” awtomatiko akong napayuko at bumuntong-hininga. Ilang segundo lang ay nabalik na naman ang tingin ko sa bintana.             What's happening to me? Bakit parang wala man lang epekto sa'kin lahat ng nalaman ko? Bakit sobrang kalmado ko ngayon? It's weird. After ng breakdown ko kahapon at yung pagkataranta ko, wala na. Yun na 'yon.             Ngayon, lagi ko na lang nahuhuli ang sarili kong nakatulala at lumilipad ang isip. Anong iniisip ko? I don't even know. I'm staring at nothing with also nothing to think of. Dumagdag pa yung pakiramdam na parang laging may nakatingin sa'kin. I should ask Maia if this place is haunted pero kahit sa pagsasalita ay nawalan na ako ng enerhiya.             Naramdaman ko ang paghawak niya sa balikat ko at mabilis naman akong nalingon muli sa direksyon niya. “You spaced out again,” sabi niya, I sighed and massaged my forehead.             “I'm sorry...” kagat ko sa labi ko.             “It's okay Leto, as long as you'll be fine after this. Iisipin ko na lang na kailangan mo ng time para makapag-isip at magsink-in sa'yo lahat.” I smiled gratefully at her for understanding. Bigla siyang napailing kaya naman sa kanya ko muli binigay ang atensyon ko. “Sorry for this, hindi 'to makakatulong sa sitwasyon mo ngayon but I have to,” I looked at her curiously, “naaalala mo yung sinabi ko sa'yo about the government of the Werewolf race?” Mabilis bumalik sa utak ko ang iba pa niyang sinabi kahapon.             There was once five major territories, three in the Philippines and the other two here in Greece. Ang isa ay narito sa Litochoro, the fifth largest pack called Ieró Kynódontes Pack. Ang isa namang narito rin sa Greece ay nasa Kokkinopilos, isang bayan na mga shifters mismo ang nagtatag. It's just a small town but the entire population are werewolves kaya naman ito ang fourth largest pack, the Katharó Ourliachtá Pack. Then the third one was my parents' former Pack, located in the Northern part of Luzon, the Kynígi Fengári Pack. The second largest, the rival pack of Jebediah's is called the Agrious Pódi Pack. At ang pinakamalaking pack at teritoryo, ang nasa Thea Arthem, the Chrysí Goúna Pack.             Dahil nga sa nangyari sa dating Pack ng mga magulang ko, ngayo'y apat na lang ang pangunahing pamilya. Ang mga survivors, kung hindi lumipat sa ibang major Pack ay bumuo na lamang ng kanilang sariling sub-Pack. Ang isang Sub-pack ay mga Pamilyang nakakalat sa iba't ibang teritoryo ngunit sumusunod pa rin sa iisang Alpha na galing sa isang Major Pack, at awtorisado ng nasabing Alpha ang kanilang grupo. Hindi tulad ng binubuong ilegal na grupo ng mga Rogues.             Lahat ng ito ay nasa ilalim ng Monarkiya, the Alpha King and the Luna Queen.             “About the King and Queen?” tanong ko matapos alalahanin ang lahat.             Tumango siya, “yes, the palace is located on one of the peaks of Mt. Olympus near Kokkinopilos, naaalala mo? Yung isang teritoryo na may naninirahan ding major pack?” I nodded, “ang totoo niyan, ang Mahal na Prinsipe ang Alpha sa Pack na iyon.”             Tumaas ang kilay ko, “so ibig-sabihin ba no’n na kapag naging hari ang prinsipe, Alpha na siya, Alpha King pa?” Bigla siyang umiling, “ha?” Pagtataka ko, bakit naman hindi?             “There are two kinds of Princes,” pagtaas niya ng hintuturo niya at gitnang daliri, “one is the Royal Prince – siya ang tunay na anak ng Alpha King habang ang isa naman ay ang Crowned Prince, ang napiling tagapagmana ng trono. The Alpha in Kokkinopilos is the Royal Prince, not the Crowned Prince.”             “So you mean to say, hindi nananatili sa iisang angkan ang trono gaya ng ibang monarkiya?”             She nodded again, “the moment the King and Queen announced that they have conceived a Royal Prince or Princess, is also the time they will start seeking for the Lunas who will also conceive in the same year para maging candidates ng pagka-hari o reyna.”             “Bale, kapag nabuntis ang Reyna, hahanap sila ng mga Luna na buntis o mabubuntis rin sa parehong taon na iyon?”             “Yes, it sounds complicated pero hindi naman talaga. Madalas nasa parehong henerasyon lang ang Alpha King at Alphas so hindi nagkakalayo ang edad na makahanap sila ng kapareha at magka-anak. Werewolves usually shift when they turn 16 and got to choose their potential mates at the same age, though the ideal age of fully sensing the mating bond is 18 until 23.”             “Ohh... so bakit nga ba napunta do'n ang pag-uusap natin?” tanong ko nang bahagyang tumatawa.             She smiled pero napansin kong peke ito at mukhang dismayado siya sa sasabihin niya. “It seems like the King and Queen found out about you being here, and they want to meet you Leto.”             Nanlaki ang mga mata ko, “what?! When?” No... parang hindi ko pa kaya.             “I'm really sorry, siguro nabanggit sa kanila ng Mahal na Punong Oraculo.”             Naalala kong muli na nasabi rin niya kahapon ang tungkol sa Chief Oracle ng templo. Dapat ay makikilala ko siya ngayon ngunit kinailangan niyang pumunta sa palasyo. Siguro nga siya ang nakapagbanggit sa Monarkiya ng tungkol sa'kin. Parang ngayon ko lang din nare-realize na siguro nga, nasa mataas na ranggo ako, kahit isang Hari at Reyna ay gusto akong makilala. At ano uli iyon? Ang Pack nila DJ ang pinakamalaki sa lahat? So what would that make us then? Are we considered as the strongest too? The wealthiest? Oh God.             “And I think, bawal akong tumanggi right?” Nag-aalalang tanong ko.             She exhaled, “sorry talaga, alam kong hindi ka pa ready sa ganto tapos nangyari pa 'to. Pagtapos mo naman do'n, makakabalik ka na ng Pilipinas," agad akong huminga nang malalim. Bakit ko nga ba nakalimutan iyon? Bukas na ang uwi ko pabalik ng Thea Artem. Napapikit ako bigla, akala ko ay wala na akong kailangang gawin pa bago makabalik na sa wakas pero may isa pa palang pagsubok.             And what? May kakaibang malalaman na naman ba 'ko roon? Is it mermaids this time? Witches? Zombies?             Vampires?     “You look breathtaking Luna Leto,” komento ni Shilloh sabay palakpak pa. Patuloy kong pinagmasdan ang sarili ko sa salamin, hindi makapaniwalang suot ko ang isang napakagandang damit.             “Saan mo ba nakukuha ang mga damit na 'to? It's impossible for a place like this to have these kinds of clothing,” pagtataka ko habang patuloy pa ring nanlalaki ang mga mata sa gulat.             Bahagyang natawa si Shilloh, “I have a friend back in town, where my former pack also is residing. Isa lamang siyang Omega kaya naman walang pumapansin sa talento niya, iniipon niya ang sweldo niya para makagawa ng ganitong kagandang mga damit. Though the fabrics are cheap, nagiging maganda pa rin naman ang kinakalabasan.”             "So what if the fabrics are cheap? Your friend is a genius!” bulalas ko.             “Kaya nga po nakakalungkot na hindi napapansin ang galing niya,” malungkot na sabi ni Shilloh sabay abot sa'kin ng pares ng sapatos na susuotin ko. “This one, I bargained from our pack doctor.”             “Huh?” Tanong ko bago isuot ang nude pumps na bigay niya.             “Nagpahula siya sa'kin no'ng minsang bumisita ako at binigay niya sa'kin 'to saying na minsan lang naman raw ako magkaganitong sapatos, fortunately pareho tayo ng shoe size,” ngiti niya.      Ngumiti ako sa kanya, “this might be the last time I will be seeing you, kaya maraming maraming salamat talaga sa pag-aalaga mo sa'kin rito Shilloh,” sabi ko bago siya yakapin. Narinig ko ang pagsinghap niya dahil sa gulat kaya naman lalo ko pang hinigpitan ang yakap ko.             “Gaya nga po ng sinabi ko Luna, masaya po akong pagsilbihan kayo,” sagot niya bago kami parehong kumalas sa yakap. “Sana paniwalaan niyo po ako 'pag sinabi kong kayo na yata ang pinaka-mapagkumbaba, mabait at magandang Luna na nakilala ko. Your pack will be a lucky one and I know you'll do good with your position. Alam ko pong naninibago pa kayo sa lahat ng 'to, pero sigurado rin po akong masasanay din kayo dahil nakatadhana na sa inyo 'to. You are destined to be a pack's hope and leader, Luna Leto.”             Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at napayakap na muli ako sa kanya. Kahit sa tatlong araw lang na pagsasama namin ay naging malapit na kami sa isa't isa. Sa isa sa pinakamahirap at pinaka life-changing na linggo ng buhay ko, siya ang isa sa mga nakasama ko kaya naman talagang naging mahalaga na siya sa'kin. I will definitely miss her.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD