Chapter 20

2394 Words
Isang itim na BMW ang sumundo sa'min na nasusundan rin ng apat pang kaparehong kotse. Halos tatlong oras din ang tinagal ng byahe, dumaan kami sa kabayanan kaya naman nagkaroon ako ng pagkakataong makita ito. It was an organized and cozy little town dahil sa mga masasayahing tao – uhm... shifters I mean – na narito na isa-isa ring nagba-bow sa tuwing madadaan ang kotse malapit sa kanila. Sabi ni Maia, dahil daw iyon sa royal emblem na nasa magkabilang gilid ng sasakyan, kaya inakala nilang monarkiya ang nakasakay.             Sa pagtaas pa lamang namin sa zigzag na kalsada ay natanaw ko na ang palasyo na nakapagpamangha na naman sa'kin. It was like I'm in a Disney movie! Ang maganda pa, totoong palasyo ito na may totoong hari't reyna, prinsipe at prinsesa, mga palace guards at kung anu-ano pang mga bagay na makapagpaparamdam sa’kin na tila nasa isang fairy tale talaga ako. Don't even make me start with the palace itself! It was freaking majestic, magical, grandeur and all those classy adjectives known in mankind – and werewolfkind.             At hindi ako nananaginip.             I'm really in Greece.             There really are werewolves.             I really have a soulmate.             I really am a Luna.             And God, after this I'm going back home. Kailangan ko na silang harapin. s**t.             “Ready?” Nalingon ako kay Maia, saka pa lang nakitang tumigil na pala ang sasakyan at binuksan na rin ng isang naka-unipormeng palace guard ang pinto para sa'min.             “I guess?” sagot ko. She sighed but smiled afterwards at tumango sa'kin bago mauna nang bumaba. Hindi tulad ng lagi niyang suot na plain gray na kapa, ngayon ay nakapatong sa mga balikat niya ang isang eleganteng satin na kapa na may mga itim na embroidery. It suits her really well.             Bumaba ako at agad namang hinawakan ni Maia ang kamay ko. Sabay kaming naglakad palapit sa matataas at malalaking mga pinto ng palasyo na binabantayan ng tatlo pang guards. Ang isa na nasa gitna ay kakaiba ang uniporme at may hawak na isang silver na tungkod. Maia nodded at him and he immediately nodded back before stomping the silver staff thrice. Matapos gawin ito ng nasabing guard ay unti-unting bumukas ang mga pinto hanggang sa isang butler ang sumalubong sa'min at ihatid kami sa isang hall ng palasyo.             Hindi ko naman pinalagpas ang pagkakataon at habang naglalakad ay nagmasid sa interior design ng istraktura. This will always remain in my memory, it’s a dream come true! Kung may nagsabi sa'kin noon na mararanasan ko 'to, malamang napagtawanan ko na yung taong iyon at ilang hampas rin ang inabot niya. But look where I am now.             “Naghihintay na po sila sa loob,” sabi ng Butler bago buksan muli ang isa pang pares ng pinto. The first sight I saw inside made me freeze on my spot.             It was Jebediah hugging a familiar girl.             “Excuse me,” bulong ko at naabutan ko na lamang ang sarili kong patakbong lumalabas mula sa silid.             Why is he here? Ako ba ang pinunta niya rito? Susunduin niya ba 'ko, gano'n ba? Pero kung ako talaga ang sinadya niya rito, bakit may kayakap siyang iba? Bakit narito siya sa palasyo at hindi sa templo? Baka naman naga-assume lang ako... so hindi talaga ako ang pinunta niya rito kundi yung babae? Bakit nga ba magtataka pa 'ko, eh sobrang ganda nung ba—             “Katherine,” isang boses ang nakapagpatigil sa'kin sa paglalakad. It was the baritone I am so familiar with... and I miss very much. He's here. He's really here. Agad kong tinakpan ang bibig ko gamit ang dal'wa kong kamay at pilit na pinigilan ang mga hikbing nagbabadyang lumabas mula rito. Tears fell from my eyes down my now wet cheeks. “Love,” tawag niyang muli, nakalimutan ko lahat ng iniisip ko kanina at 'di ko na na-kontrol pa ang sarili ko. I sobbed loudly and turned to face him.             There he stood.             Awtomatikong gumalaw ang mga binti ko, una'y unti-unti akong naglakad papunta sa kanya hanggang sa makita ko na rin siyang maglakad palapit sa akin at hindi ko na kinaya pa. I ran towards him as he began running too. Sa pagkakataong abot-kamay ko na siya ay wala nang pagdadal'wang-isip ko siyang niyakap, na agad rin niyang binalik nang mas mahigpit pa – to the point na nabuhat na niya ako. Napahagulgol na ako, lahat ng emosyon na pinigil ko nitong mga nakaraang araw ay tuluyan nang bumuhos.             All those days have passed and he was the only one I needed. Kahit bago ko pa malaman ang tungkol sa pagiging katadhana niya, siya na ang hinanap ko sa oras na dumilat ang mga mata ko. I realized that mates or not, kailangan ko siya at siya lang ang makapaglalabas ng tunay na mga nararamdaman ko. Despite everything he hid from me, I can't seem to stay mad at him.             “Jebediah... DJ...” bulong ko sa pagitan ng mga hikbi. Naramdaman ko ang kamay niyang minamasahe ang batok ko at ang paulit-ulit niyang paghalik sa ulo ko.             “Shh... I'm sorry, I'm sorry baby ngayon lang ako. I'm sorry,” mahinang sabi niya kasabay ng lalo pang paghigpit ng yakap niya. “I have no choice but to wait, this is for your own good. I'm sorry I'm not here sooner,” paulit-ulit siyang humingi ng tawad at wala na akong nagawa pa kundi unti-unting kumalas sa pagkakayakap at diretso siyang tingnan.             Umiling ako, “no, ayos nang nangyari 'to... don't be sorry.”             Muli niyang hinalikan ang noo ko, “mag-uusap tayo mamaya, let's go back. It's disrespectful to keep the Monarchs waiting.”             Agad na nanlaki ang mga mata ko kasabay ng pagsinghap ko. Yes! I'm here to meet the King and Queen! Oh my God, nakakahiya ka Leto! Tumingin muli ako kay DJ at sana'y magsasalita pa nang ngisian niya lamang ako. Hinawakan niya ang aking kamay bago ako hilahin pabalik sa silid na pinanggalingan namin kanina.             Nakayuko akong pumasok muli. Grabe pa'no ko ba sila haharapin? Kung pwede lang magpalamon sa lupa, ginawa ko na. First impression lasts right? You did a very good job Leto – note the sarcasm. Naramdaman ko ang pagpisil ni DJ sa kamay ko kaya naman awtomatiko akong napatingin sa kanya. He has his 'control-freak mode' on, or should I say, Alpha mode. He is directly looking in front with a calm expression and stance, but he's oozing with authority and power. Idagdag pa ang suot niya ngayon, my knees are nearly turning into jelly.             Hot damn.             Behave Leto.             He's wearing an all-black ensemble; black suit, black buttoned-up shirt, black vest, black pants and leather shoes, and a plain black velvet cape. Ang hindi lang itim sa suot niya ay ang necktie niya na coincidentally, terno sa kulay ng suot ko. That is really weird.             “So you're the Luna everyone has been talking about,” rinig kong sabi ng isang puno ng awtoridad na boses. Kakaiba ang punto na taglay nito at malalaman mong may ibang lahi sa unang dinig. I finally looked in front and nearly took a step back. Kanina ay hindi ko sila tuluyang natingnan pero ngayon... wow! They all looked regal, nakaka-intimidate.             Tatlong lalaki kasama ang kani-kanilang mga kapareha ang kaharap namin ngayon, sa pinaka-gitna ay ang Hari't Reyna. Sa unang tingin pa lang ay makikilala mo na agad sila bilang pinaka-matataas na pinuno ng werewolf race. Hindi lang dahil sa haba ng mga kapa at sa mas engrande nilang kasuotan, ngunit pati na rin sa tindig at halatang mas nakakatandang edad nila.             Sa kanilang magkabilang gilid ay dal'wang pares na sa tingin ko'y kaparehong edad lang namin ni DJ. Ang isang pares ay may mga ngiti sa kanilang mga labi habang ang isa naman – the one with the girl who Jebediah was hugging earlier – ang lalaki ay may malamig na ekspresyon sa mukha habang ang babae ay bahagyang nakangiti.             Nang matitigan nang malapitan ay saka ko pa lang naalala kung bakit parang pamilyar ang babaeng iyon. Siya yung nakita ko noon sa party! Yung sobrang gandang babae tapos yung kasama niyang walang kaemo-emosyong lalaki. Oo, sila nga yun.             “Hi!” Nalipat ang tingin ko sa kabilang pares, kung nasa'n yung masiyahing babae na sabik akong binati. Dali-dali rin siyang lumakad palapit sa akin at bigla akong niyakap. “So you're Luna Leto! Thee mou! Eisei pragmatika omorfi!” Sigaw niya matapos kumalas sa yakap sabay palakpak.             Nagtataka akong tumingin sa kanya, “huh?”             She laughed, “ay sorry! Sabi ko sobrang ganda mo pala talaga!” Mabilis na nanlaki ang mga mata ko sabay pag-init ng mga pisngi ko. Is she kidding? Kum-para naman sa kanilang lahat, nagmumukha akong Omega lang no. Kung hindi lang dahil sa suot ko tiyak mukha na akong ewan dito. Hindi na ako nakapag-salita pa, I don't do well with compliments, napayuko lamang ako.             “You're making her blush, meli,” sabi ng panibagong boses. Muli kong inangat ang ulo ko at naabutan nga ang isang nakangiting lalaki na ngayo'y nakaakbay na sa babaeng kaharap ko. “Hello Luna Leto, I'm Vulcan Areleous, the Royal Prince and this is my mate—“             “Via! Call me Via, short for Invidia Areleous. No need to address me with some kind of high-ranked label okay? Kahit prinsesa ako, I kinda feel like it's too high for me. Let's be friends ha?” Napangiti ako at tumango, kung narito lang ang kambal tiyak na magkakasundo sila.             “Prinkipissa, will you let us meet her?” Mabilis kaming napatingin sa direksyon ng Mahal na Hari't Reyna na ngayo'y pareho na ring nakangiti. Nakakahawa nga naman kasi ang ka-hyper-an nitong si Via.             “Fysika, o Vasilias mou!” Dali-daling sagot ni Via bago lumapit na nga sa'min ang Hari't Reyna. Ugh, I can’t understand them!             “Kali mera Luna Leto, I am King Euclid Areleous and this is my beloved Queen Calliope. We are the present Monarchs of the Were-society.”             “It is a pleasure to meet you both, Your Majesties,” sabi ko sabay bow. O kailangan kong mag-curtsy? Hala! Pa'no ba 'yun? Paano uli yung tinuro noon kay Anne Hathaway sa Princess Diaries? Bakit ba hindi ko iyon kinabisado!             Naramdaman ko ang paghawak sa balikat ko kaya naman muli na akong tumayo nang diretso. “We are really glad to finally meet you Leto,” sambit pa ng hari. Pinigilan kong ipakita ang pagtataka ko sa kanila, kanina pa nila sinasabing finally, nakilala na nila ako o nakita. Hindi rin mawala sa isip ko yung nabanggit kanina ng Mahal na Reyna.             So you're the Luna everyone has been talking about.             Anong ibig niyang sabihin? Sinong 'everyone' ang tinutukoy niya? Sa pagkakaalam ko, ang Pack lang nila DJ sa Thea Artem ang nakakaalam tungkol sa'kin. Sino naman ang magsasabi sa Hari't Reyna no'n? Idagdag pa na narito sila sa Greece, halos tatlong kontinente ang layo mula Pilipinas. Pero hindi ko dapat sila maliitin, they are Monarchs after all. Sobrang makapangyarihan nila, walang imposible para sa kanila. Are there things that either DJ or Maia isn't telling me still?             “Can I meet her too, my Queen?” lapit ng magandang babae sa pwesto namin. Sa likod niya ay yung walang-emosyong lalaki.             “Nai, nai! Of course Princess,” the Queen nodded.             “Hi! I'm Marina, the present Crowned Princess of the Monarchy,” halos mamangha ako sa pagngiti niya. Grabe... para siyang manika!             “Hello, I'm—“             “Leto. Everyone knew who you are! And I hope we can be friends. Dan and I have gone way back.”             Dan? Sinong Dan? Nalipat ang tingin at pagngiti niya sa likod ko kaya naman sinundan ko ito at naabutan nga roon si DJ. Ah! Daneios, so Dan. Napakagat ako sa aking labi nang magkatama ang tingin namin ni Jebediah at dali-dali muli siyang tinalikuran at humarap kila Marina. Napatingin ako sa lalaking kasama niya, siya na lang ang hindi nagpapakilala. Nagsasalita ba 'to?             Tumingin ang lalaki sa'kin and I unknowingly smiled at him and swear! Nakita kong nanlaki nang bahagya ang mga mata niya bago sa isang iglap ay bumalik ito sa dati at iiwas niyang muli ang tingin sa'kin. “He's my mate,” pagsisimula ni Marina, “Crowned Prince Theordan. We're happy to meet you Leto.”             “Thank you, masaya din akong makilala kayo,” ngiti ko bago maramdaman ang pamilyar na pagpulupot ng braso ni DJ sa bewang ko. I looked at him and smiled.             “Naghanda ang Mahal na Reyna ng isang salu-salo para sa'yo, we shouldn't keep the food waiting,” sabi ni DJ.             “Yes! Buti at napaalala mo Jebediah. Come, all of you,” masayang sabi ng Mahal na Reyna bago mauna na sa paglalakad palabas ng silid. Hinanap ko si Maia at mabilis naman siyang nakitang nakikipag-usap kay Via. Base sa nakikita ko ay tila matagal na silang magkakilalang dalawa.             Nagpahuli kami sa paglalakad ni DJ at sa oras na makalabas kami at makitang malayo-layo ang agwat namin sa ibang kasama ay tumingin ako sa kanya. “You and Marina are friends?”             Napatingin siya sa'kin at saglit pang hindi nakasagot, “she's my childhood friend.”             “Ohh,” tango ko bago tumingin na muli nang diretso sa nilalakaran namin. I felt his hold on my waist tighten.             “No need to be jealous, Love,” bulong niya. Okay, what the heck?             “Hindi ako nagseselos no! Bawal magtanong?” inis na sabi ko. Bakit naman ako magseselos? Nagtatanong lang naman talaga ako kasi parang close talaga silang dalawa at mukhang tuwang-tuwa si Marina na makita siya. Kung gano'n, mali ang hinala ko kanina na dati pa siyang narito, siguro ay kadadating lang din niya. Sa palasyo talaga siya dumi-retso at hindi sa templo.             What a petty reason to be sad about Leto! Seryoso ka ba? Basta ang dapat ko lang sigurong isipin ngayon ay ang pag-uusap na namin mamaya – sa wakas.             Bigla niyang nilapit ang bibig niya sa tenga ko na ikinagulat ko, “eisei o enas kai monadikos,” he whispered with his raspy voice and unexpectedly, Greek accent.             Nilayo ko ang mukha ko sa kanya at diretso siyang tiningnan. “You really need to teach me how to speak in Greek. Mababaliw na yata ako sa kaiisip kung anong mga pinagsasasabi niyo,” reklamo ko.             For the first time, I saw and heard him laugh. Bigla na naman napuno ng mga paru-paro ang tiyan ko at hindi ko na napigilan pa at tumawa na rin ako kasabay niya. I felt warm all over and what a great feeling it is. Hindi ko alam kung bakit, pero bigla na lang akong napayakap sa kanya. God, how I miss him.             My Alpha Jebediah.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD